#37 Didn't Mean

89 4 0
                                    

LESTER'S POV

Going to EK is really a plan. After kong mareceive ang message nya at ayain akong lumabas ay agad kong naisipang ipasyal sya sa lugar na tiyak nyang magugustuhan. At hindi nga ako nagkamali sa naisip ko dahil pagbaba pa lang namin mula sa kotse ay kita ko na sa mukha nya ang sobrang amazement.

Para syang bata. Pero nakakatuwa.

I really had a great day with Keish at Ek.

Higit pa sa sayang inaasahan ko yung naramdaman ko. This is the happiest moment ever that I will cherish in my whole life - I'm with her, she's with me and we're together -- sharing our laughs and Love.

Sobrang nakakatuwa lang na nakita ko ulit ang makulit nyang itsura at ang mga nakakabingi nyang pagtili.

I missed those.

But everything happened inside EK is not according to plan. Sadyang nangyari lamang ang mga iyon. Kagaya na lamang nung sumakay kami sa anchors away. I expected na sisigaw sya ng pagkalakas lakas kapag sumakay kami sa ride na yon, naisip ko rin na maaaring makaramdam sya ng takot ngunit kasama naman nya ako at sisiguradohin ko namang hindi ko sya pababayaan. Pero malala pa pala sa naisip ko yung magiging reaksyon nya habang nakasakay kami sa anchors away. Kulang na lamang ay mahubaran ako ng damit dahil sa pagkakakapit nya sa suot ko. Halos mabasag din ang eardrums ko sa bawat pagtili nya. At halos manghina rin ako - hindi dahil sa takot at pagkahilo sa ride kundi dahil sa pagkakasubsob nya sa dibdib ko. Alam kong dala lamang iyon ng takot, pero sa tuwing naiisip ko na nakasubsob sa dibdib ko ang mukha nya at ramdam ko sa may leeg ko ang tuktok ng ulo nya ay napapangiti na lamang ako. Dinadaan ko na lamang sa tawa ngunit ang totoo ay bahagya akong kinikilig sa mga nangyayari.

Matapos ang ride na iyon ay nasundan pa ng marami pa. Alam kong hindi ganoon katibay ang loob nya para sumakay sa mga nakakalulang rides kaya pinili ko na lamang yung mga rides kung saan makakaramdam sya ng enjoyment - kasama ako.

The final ride. WHEEL OF FATE. Final yet most special.

Ito yung ride kung saan ko naramdaman ang tinatawag nilang heaven. Ito yung ride kung saan hindi sinasadya ay naglapat ang mga labi namin. At ang pangyayaring iyon ay nagpahiwatig saakin na tila ba walang ibang nakikita ang mga mata ko kundi sya lang, waalng ibang naririnig ang mga tenga ko kundi ang malalakas na dagungdong na nagmumula sa dibdib ko, at walang ibang pakiramdam na pumupuno sa pagkatao ko kundi saya.

After what happened sa wheel of fate, diko na halos matanggal ang ngiti sa mga labi ko. I never planned that, it just happened. And maybe that's destiny's way of helping me to bring back Keish's love for me and make her feel that I love her too, I love her so much.

Just like what I've said wala sa plano ko ang halikan si Keish sa lips, dapat talaga sa chiks ko lang sya ikikiss kagaya nung una kong ginawa. Gusto ko lang talaga na magkaremembrance sa pasyal naming iyon.

Di ko naman akalaing bigla syang titingin kaya ayun, sapul !! I'm not taking advantage the situation na nasa itaas kami ng ride na yun, pero nung mga time na our lips accidentally met ay para bang tumigil ang oras. 

Para bang lahat sa paligid namin affected ng pag freeze nang time at tanging kaming dalawa lang ang hindi gumagalaw - kami lang yung may buhay na nageexist sa earth.

Kasabay ng pagtigil ng oras noon ay parang maging ang mga katawan namin kusa ring tumigil. Parang walang gustong kumilos saamin, were both in that awkward moment but no one of us wants to escape, yung tipong kahit alam namin pareho na nasa public place kami parang wala kaming pakialam kasi masaya kami.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon