#21 I'll wait

148 3 0
                                    

KEISH'S POV

Ang hirap nyang intindihin ngayon.

Yun lang ang masasabi ko. Grabe ang moodswings nya, kahapon okay - ngayon hindi - bukas okay - kinabukasan ulit hindi nanaman! watdapak! Dinaig pa ang babaeng may dalaw.

"Keish ano ba tinitira ni Lester nitong mga nakaraan? Parang napakamoody nya, okay kahapon parang pinaglihi sa sama ng loob ngayon at yung bukas naman di natin mahulaan kung anong klaseng mood ulit ang meron sakanya! Dinaig pa tayo sa pagmomood swings !!"   Nagtatakang tanong sakin ni Rima na kahit ako di rin alam kung ano nga ba ang dahilan. At pareho kaming nakapansin sa inaasal ni Lester nitong mga nakaraan.

Nasa library kami ni Rima ngayon para makapagconcentrate sa pagrereview dahil kung sa classroom naman kami magstay siguradong wala kaming mapapala kahit konting katahimikan.

Malapit na din ang finals kaya kailangan naming magseryoso muna sa pag-aaral, at sana maisantabi ko muna ang pag-iisip kay Lest dahil pag naiisip ko sya talagang nabablanko ang utak ko sa ibang bagay.

  

Medyo bored na ko sa pagrereview, halos nabasa ko na din kasi lahat ng binabasa namin ngayon pag nasa bahay ako kaya tumayo ako para maghanap na lang ng kung anong pwedeng basahin.

  

"Bess saglit lang ah maghahanap lang ako ng pwedeng basahin"  Tumayo ako sa table at pumunta sa may mga books about sa history. Biruin nyo yun bored ako pero ang hanap ko ay libro na may kinalaman sa history?! Haha Trip lang.

  

Hanap - hanap - hanap...

Ang totoo nyan diko alam kung anong history book ang gusto kong basahin. Halos iniisa-isa ko ang mga libro na nasa lagayan na nakaturo pa ang daliri ko sa mga title niyon.

Kung san siguro matigil ang mata at daliri ko then yun na yung babasahin ko.

 May magawa lang.

"Ayyyyyyyuuuu-----!" naputol ako sa mahabang pagsasabi sana ng ayun. "---ray  !!" naidugtong ko na lang dahil may masakit.

Kaya nga napaaray.

Ayun dapat ang sasabihin ko pero biglang nadugtungan at naging aray. Kukunin ko na sana yung libro kung san ako nagkaron ng interes pero bigla na lang may nakabangga sakin at sa kamalasan naman eh nagkauntugan pa mga ulo namin.

Napahawak na lang ako bigla sa ulo ko kung san tumama yung matigas na ulo ng nakabangga ko.

Hindi ba sya tumitingin sa dinadaanan nya? Hindi na nga ako nakatingin eh pati ba naman sya?! Tsk.

"Ang sakit..........." pahikbi kong daing at hinimas pa ang part ng ulo ko na para bang sa isang bato naumpog. Halos mapapikit pa ko nun sa sakit.

Ulo ba talaga yun ng tao? Yung totoo?!

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon