KEISH'S POV
After that weird thing about Lester, di ko maintindihan kung bakit parang umiiwas sya sakin...Imbes na mag-aral kami para sa nalalapit na 3rd Periodical exam mas prefer nyang magpractice ng basketball kaya halos bibihira ko na syang makasama.
I really missed him.
Ayokong isipin na bumalik nanaman sya sa dati nyang ugali, na sana ay hindi. Sayang ang pinaghirapan namin, sayang ang pinagsamahan namin. Hindi ko maintindihan ang nangyayari at wala akong ideya kung bakit ganun nanaman ang kinikilos nya. Pakiramdam ko lumalayo sya saakin.
Akala ko ba ako ang bestfriend nya pero bakit di sya nagsasabi kung may problema sya? kaya nga ako ang bestfriend nya diba? Pwede naman syang magshare sakin, I will listen, I'm willing to listen whatever it is that he is going to tell.
Kahit medyo cold sya sakin nitong mga nakaraang araw, tuloy-tuloy pa rin ang pakikipagkita ko kay Lester para sa tutorial. Parang ilag siya pero hindi ko hahayaang umiwas na lang siya. After lunchbreak lagi akong nagpupunta sa may akasya, pero di na kami nakakapag-aral lagi, minsanan na lang.
After class sa may rooftop pero isang araw bigla na lang nyang sinabi na kahit wag na lang daw muna kami magreview sa hapon kasi kelangan din daw nyang magpractice para sa darating na Inter High Competition.
Papunta na ko ngayon sa may meeting place kasi tapos na kong kumain ng lunch. Pagdating ko dun, nakita ko sya ang layo ng tingin.
Parang ang lalim ng iniisip.
Lumapit ako.
"Hi Lest, musta bakit parang lalim ng iniisip mo? " bati ko sakanya. Tumingin lang sya sakin saglit.
"Okay lang, tara umpisa na tayo?" Napakatipid nanaman ng sagot nya. Nilapag ko ang mga libro sa may tapat namin, tapos kinuha ko yung papel at ballpen sa bag.
Dadamputin ko na sana yung libro, di ko napansin na hawak nya pala yon kaya imbes na libro yung nadampot ko, sa kamay nya ako napahawak.
Nagkatinginan kaming dalawa, walang umiimik, sobrang tahimik. Bakit?
Maya-maya kinabig nya ang kamay nya na para bang napaso sa palad ko. Nag-sorry na lang ako, at sya tumango lang sakin.
At eto na nga yung tinatawag nilang -- AWKWARD.. ngayon ko lang yata naramdaman 'to sa pagitan naming dalawa, at kung bakit kami ganito -- hindi ko alam.
Tapos na kami mag-aral at pabalik na ng classroom, nauna syang tumayo. Diretso lang syang naglakad, wala man lang bye, wave ng kamay o simpleng ngiti man lang.
Napabuntong hininga na lang ako habang titig sa likod nyang papalayo saakin.
Bigla syang lumingon na ikinagulat ko naman.
"Ahh nga pala! baka simula bukas di muna ko makapunta dito kaya wag kana ring pumunta. Magkoconcentrate muna ko sa pagpapractice. Sasabihin ko na lang sayo kung kelan ulit ako free.." malumanay ang pagkakasabi nya nun pero kulang na lang ay mabingi ako. Ang lakas ng impact nun sa tenga ko. May problema ba sya sakin? Ayaw nya kong makita??
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!