#58 Certified coward!

103 2 0
                                    

RIMA'S POV

Kinabukasan agad ay nagbalik si Lester sa batangas.

Akala ko ay ilang araw pa o ilang lingo ang lilipas bago sya bumalik para si sinabi nyang pagrerelax kaya nagpareserve sya kay Gary ng isang house for him.

Agad naman syang nahanapan ni Gary ng pwede sakanya since solo lang naman daw sya kaya okay lang sakanya kahit maliit lang. Malapit lang din iyon sa mansion.

Pinuntahan ko sya sa house para dalawin at kamustahin kung okay lang sya.

Well, wala na kong espesyal na pagtingin pa sakanya unlike noon. I love my husband. Haha hard to believe but it's true. Napakalaki ng pinagbago ni Jamir after nung time na magtapat sya sakin.

Ang akala ko noon ay lalayo na sya after kung bastedin at talikuran, but it turned na mas lalo pa syang naging desperate to win me.

He enrolled sa school na pinasukan ko, he's almost like a stalker!

Ganun sya naging kaporsigido. Hindi na sya yung bastard Jamir na nakilala ko before, naging seryoso sya sa lahat ng bagay maging sa pag-aaral. Natigil na rin sya sa  pagiging bully nya .

Then, years after narealize ko na yung feelings ko noon para kay Lester ay hindi ko na maramdaman cause Jamir filled my heart with his thoughts and presence.

Nasanay ako masyado sa pag-aligid nya sakin. Nakakairita madalas, but when he's not around? Gosh I badly misses him! Dun ko napagtantong nahuhulog na din pala ako.

Third year college nang maging kami. After naman naming grumaduate ng college ay nagpropose agad sya sakin. I'd never hesitate to say yes dahil alam ko na sa sarili kong mahal ko sya, at nakikita ko na ang future ko na sya na talaga.

Huhuhu ^____^

Hindi ko nga pala lovestory to! Haha

Ok, ok back to reality.!

Ayun na nga at napadalaw ako sa house na tinutuluyan na house ni Lester.

KNOCK!

KNOCK!

KNOCK!

Door opens!

"Oh ikaw pala!" Lester na parang gulat pa sa pagdating ko.

"Hehe istorbo ba? Sensya..." kunwari ay nahihiya ko pang tanong. Hehe di naman talaga ko nahihiya eh. Kaya nga kunwari lang. Ang totoo gusto ko talaga syang makausap. Gusto kong makibalita tungkol kay Keish. Di man lang nya kasi nababanggit sakin ang bestfriend ko at wala man lang talaga kong contact dun. Eh syempre miss na miss ko na din yung isang yun!

"Ah hindi naman, pasok ka!" anyaya nya sabay bukas ng pinto kaya pumasok na din ako. "Alam ba ng asawa mong nagpunta ka dito?" dagdag na tanong nya pa.

"Hehe hindi, yaan mo busy naman yun sa trabaho nya?" kunot noo naman syang tumingin sakin. "Paper works, you know? Hehe don't worry mahal ako nun kaya wala syang magagawa sakin." dagdag ko pa at napawi naman ang pagkakunot ng noo nya.

"Want something to drink?" alok nya sakin.

"Ah no thanks! Tiningnan ko lang ang lagay mo dito." pagtanggi ko naman.

"Hm okay naman. Eto peaceful sa place nyo kaya I guess makakapagrelax ako ng ayos." paliwanag nya. Hindi ako makaisip ng iba pang itatanong. Bakit kasi ayaw nyang iopen ang tungkol kay Keish. Nahihiya din naman akong magtanong. tsk!

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon