#61 Forgiven

118 3 0
                                    

KEISH'S POV

Maniniwala ba ko? Dapat ko bang paniwalaan lahat ng mga sinabi nya?? Nalilito ko!

Parang gusto kong maniwala pero ang hirap lang lalo na pag naaalala ko ang tagpong yun. Nagmukha akong tanga, kaawa-awa. 

Ang sakit lang! Dahil buong akala ko noon ako lang talaga, ako na. Tapos makikita ko yung ganong moment? Sobra sobra ang tiwala ko sakanila, sila ang dahilan kung bakit ako naeexcite pumasok sa klase araw-araw, sila ang dahilan kung bakit mas lumalakas ang loob ko tuwing may mga naririnig akong hindi magagandang komento patungkol sakin, sila ang dahilan kaya naging matapang ako, sila ang dahilan kaya hindi ko iniinda bawat sakit sa mga salita at gawa ng ibang tao saakin, pero hindi ko inasahan kailanman na sila din pala ang magiging dahilan para danasin ko ang sakit na halos dumurog sa puso ko.

Hindi naman daw sinasadya? Sabihin na nating hindi sinadya, pero wala na! nangyari na, at may nasaktan na.!

Hindi ako matigil sa pag-iyak.

Ganun pala talaga kasakit yun kahit na ilang taon na ang nakalipas.

Buong akala ko limot ko na, pero tuwing gumuguhit iyon sa ala-ala ko ay naroon pa rin ang kirot. 

Aaminin ko, nasasaktan pa rin ako. Lalo pa at nandito silang dalawa malapit kung nasan ako. Bakit ba nasasaktan pa rin ako? Diba dapat hindi na kasi masaya na ang buhay ko! Maganda na ko, wala ng nanlalait sakin, madami na kong kaibigan, nirerespeto na ko ng ibang tao, mahal pa din naman ako ng pamilya ko, at mahal na mahal ako ni Adam na fiance ko.

Bakit ganito pa rin ako kaapektado?

Pinunas kong muli ang mga luhang naglandas mula saaking mga mata.

"Hon you okay?" malambing at malumanay na pagtatahan saakin ni Adam habang hinihimas pa ang likod ko para pakalmahin sa pag-iyak. Yumuko muna ko saglit para hawiin ang mga natitira pang luha sa mukha ko.

"Yeah, I'm okay..." sagot ko saka pilit na ngumiti. 

"Dahil ba sa sinabi ni Rima? Dahil dun sa nangyari during grad??" tanong nya at hindi ko sinagot. I really don't want to talk about it, ni ayaw ko na munang isipin iyon. Pero kahit anong pilit kong pagwawaksi sa isipan ay hindi iyon maalis!! 

"Hindi nya binanggit sakin ang lahat..." usal nya saka bumuntong hininga "ang maliwanag lang sa sinabi nya ay walang kasalanan si Lester" dugtong nya sa mahinang tinig. Napatingin lang ako sa kawalan.

Wala nga ata talaga syang kasalanan.. .

"Talk to him.. ." napabaling ako sa sinambit ni Adam. Dapat ko bang sundin ang sinabi nya? Pero sa tono ng pagkakasabi nya ay parang may naramdaman akong lungkot. I know what he's thinking. Alam nya na labis kong minahal si Lester noon at base sa emosyong ipinaparamdam nya ay nangangamba syang baka may pagtingin pa ko sa lalaking iyon.

Meron pa nga ba? Hindi ko alam. Ang tanging alam ko lang ay ang sakit na naidulot nya saakin noon, pero noong sya ang kasama ko dito at nakaalalay sakin ay pakiramdam ko ligtas ako kahit na lingid sa kaalaman koing siya iyon.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon