#48 Feeling Loved

105 3 0
                                    

ADAM’S POV

“Hon are you excited with our engagement party?” tanong ko sa katabi ko na hanggang ngayon ay enjoy pa rin sa kakatingin sa view na dinaraanan ng kotse sa labas. Nakakatuwa naman kasi dahil ilang taon na nyang nakikita ang mga iyon ay tila bago pa rin sa paningin nya. At sa tuwing nakikita ko ang tuwa at pagkamangha sa mukha nya ay napapangiti na lang din akong bigla. Bahagya syang bumaling sakin at napatigil sa ginagawang sight seeing. Kita ko pa ang pag iisip nya bago sumagot sa tanong ko. “Hmm hinde eh.” iiling-iling pa nyang sagot. Para naman akong binuhusan ng isang timbang yelo sa sinabi nya. Nakaramdam ako ng konting panlalambot ngunit di ko na lamang ipinahalata. Ibinalik ko na ang atensyon sa pagdadrive.

Maya maya pa ay naramdaman ko ang kamay nya sa isa kong balikat. Saglit ko lamang syang hinagip ng aking paningin bago ay tumingin ulit sa kalsada. “As I told you before hindi na natin kailangan ng engagement party.” She said at tumango na lamang ako. Naiintindihan ko naman ang ibig nyang sabihin ngunit naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maiwaksi sa pakiramdam ang lungkot na kanina ay pumanaog sa dibdib ko. “Hon hindi talaga ko excited sa engagement natin kasi gusto kasal na agad!” sabi nya pa at kagaya ng dati ay tumango tango na lang ulit ako. Till it sinks on my mind what she just said. “Huh?!” iyon na lamang ang naiusal ko at gulat na napatingin sakanya na noon ay nakangisi na. “Bingi! Ayoko ng ulitin.” Nakanguso nya pang sambit.

At dahil sa galak at tuwang naramdaman ko matapos marinig ang sinabi nya ay agad kong itinabi at itinigil ang sasakyan namin. Niyakap ko agad sya ng mahigpit.

Yung mahigpit na mahigpit.

“Hmmmmmmm Hon nahirapan na kong huminga dahil sa higpit ng yakap mo.” Reklamo pa nya. Natatawa na lang ako dahil alam kong ganoon talaga kahigpit ang pagkakayakap ko sakanya.

Makalipas ang ilang saglit ay binitiwan ko na din sya. Inilayo ko sya bahagya sakin ngunit hawak ko pa rin ang dalawa nyang balikat.

“Hon, you just don’t know how happy I am with what you’ve said.” Sabi ko na lamang na puno ng sinseridad at pagmamahal. Ngumiti sya at hinawakan ang kaliwa kong pisngi at dinampian ng halik. “At ang saya ko din dahil kahit sa simpleng mga salita ko lamang ay napapasaya kita.” She said.

Ang malambing nyang mga tinig ngayon ay napakasarap pakinggan lalo pa kung kaakibat noon ay ang pakiramdam na ako na talaga ang kanyang minamahal.

I really love this woman and nothing can stop me from loving her.

“Thanks Keish.” Then I kissed her forehead. “Ako ang dapat na magpasalamat.” Sabi nya pa. “Dahil walang sawa kang nasa tabi ko at pinapasaya ako.” Dagdag nya pa na ikinataba naman ng puso ko. “Being with you and making you happy is my mission.!” Puno ng ngiting sabi ko pa. Marahan naman nyang kinurot ang magkabila kong pisngi na ikinadagdag ng tuwa sa puso ko. “Aaaang ccccccccccccuuuuuuuuuuuuuute mo talaga!” puno ng panggigil sa tinig nya habang nasa pisngi ko pa rin ang mga kamay nya. “Araaaayyyyy Hon. Hahaha Tara na nga inaantay na tayo nina Mommys and Daddys at ni Ate.” Itinigil na nya ang ginagawa at inistart ko na rin ulit ang kotse. “Haha Oo nga pala, may dinner tayo.! Kaw kasi ang drama mo!” saka kami nagtawanan.

Masaya naming tinahak ang daan patungo sa resto kung saan nag-aantay ang pamilya namin.

I’m so blessed having Keish in my life. There’s nothing I won't do for her to be happy.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon