#27 Confused

123 2 0
                                    

KEISH'S POV

[Lester: Keish labas tayo?] 


Ang bumungad sa inbox ko after mag beep ng phone. Totoo ba to?? Naexcite ako masyado ng mabasa ang text ni Lester.


Magrereply na sana ko ng bigla kong maalala.


Naka Oo na nga pala ko kay Adam kahapon, bago pa man mag-uwian tinanong na nya ko kung pwede ko daw syang samahan sa MOA at may kailangan syang bilhin. Nagtaka nga ako kasi talagang sa MOA pa?? sabi nya oo daw, no choice na ko tutal treat naman nya. Hehe . 

  

Ano kaya gagawin ko ngayon?? Naka oo na ko kay Adam pero  I really want to go out with Lester.

  

[Me: Lest pupunta kasi kaming MOA ni Adam ngayon eh, gusto mo sama kana lang?? :)]


Nagdalawang isip talaga ko sa reply ko, pero di ko rin naman mabawi yung oo kay Adam. He's always doing me a favor kaya diko rin magawang tumanggi sa kanya, isa pa napakabuti nyang kaibigan sakin.

  

[Lester: Sige next time na lang.]

  

Hayyyy sabi ko na nga ba.! May magagawa pa ba ko?? Sayang naman!! Bakit kasi ang late nyang mag-aya?! Lagi na lang pag mag-aaya sya naka Oo na ko kay Adam, o di kaya naman may nakaset na kong lakad. Ayaw ba talaga ng tadhana na maging masaya ang araw ko kasama sya at kaming dalawa lang??


Emo.

  

On the way to MOA.


Sinundo ako ni Adam right after kong makaligo, mabilis pa sya sa alas kwatro!! At dahil kakaligo ko pa lang, nag-antay pa sya ng ilang minuto kasi kelangan ko ding magbihis.


Pagkabihis ko, ayun gora na kami.!

  

Pagdating namin sa MOA naalala kong itanong kung ano yung kailangan nyang bilhin. "Ano ba yung bibilhin mo at talagang dito mo pa kailangan bumili?" 


"Hmmm ano nga ba yun??"  Duh! Talagang napaisip pa sya dun ah. Naku Adam umayos ka, pinagpalit ko si Lester ng dahil dito. Pero imbes na sagutin ang tanong ko hinila na lang nya ko papunta sa kung saan, kulang na lang kaladkarin ako. At pagtigil namin andun na nga kami, ano bang naisip nitong kasama ko at dito ko hinila.?

  

"Tara Keish mag ice skating tayo?" aya nya ng malapit na kami sa may ice rink. Ano naman kaya trip nito? Ice skating daw eh sa bike nga hirap na ko!


"Huh ako mag a-ice skating?? Nagpapatawa ka ba? Di kaya ako marunong! tsaka bilhin na muna natin  yung dapat mong bilhin."  Nagmadali na kong tumalikod pero bago pa man ako makahakbang nahawakan na nya ang braso ko. Ang kulit talaga nya eh di talaga ko marunong eh, baka tumumba tumba pa ko at magkalat ng kahihiyan, ang dami pa namang tao.


"Please??"  naka puppy eyes pa sya,  bakit ba kasi naging weakness ko ang ganyang mukha lalo na pag gwapo?. Ang tagal kong di nakasagot, pero in the end... "Sige na nga !" hay may magagawa pa ba ko ha?? Wala! Kasi naman eh bakit ang cute nya lalo pag nagpapacute??

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon