#25 Jamming

115 3 0
                                    

KEISH'S POV

"Keish dito kana sakay sakin."

"Let's go Keish."

Hindi ko alam kung sino unang titingnan ng parehong mag-aya sakin sina Adam at Lester na sumabay sakanila. Kay Rima na lang ako napatingin.

"Ah...eh..eh..a-----" gaga Rima help naman oh! Hindi ko alam kung ano sasabihin. Nakakahiyang may tanggihan.

"Adam pasabay na lang ako... Nagtext na ko kay mommy na pupunta muna ko kina Keish kaya hindi na ko ipapasundo dito.." biglang sabi ni Rima sabay palihim na kinindatan ako. Yes!

"Ah...y-yeah..sure!" sagot ni Adam.. "..so Keish kay Lester ka na lang sasakay?"

Tumingin muna ko kay Lest. "O-oo..para naman may kasama siya.." nasabi ko na lang. So bale kami ni Lester ang nakasakay sa kotse nya tapos si Rima naman dun sa kay Adam.

Tumigil kami saglit sa nadaanan naming mini store para bumili ng pagkain. At parang gusto na atang bilhin ni Lester at Adam ang buong store sa dami ng mga pinamili nila.

“Oh! sobrang dami naman yata nyan??!”  Sabay pa silang napatingin sa mga bitbit nila pagkaturo ko sa mga yun. Nagkatinginan silang dalawa at mukhang ngayon lang nila napansin na napadami ang binili nila.

  

“Ah.. . syempre para naman makasalo satin ang mama’t papa mo pati na ang ate mo!” Sabi ni Adam. Haha mukhang close na sila ah, isang araw pa lang yun!! pano pa kaya pag napadalas ang pagpunta nya samin baka palayasin na ko at si Adam na ang pumalit sakin bilang anak at kapatid sa bahay namin!!

Natawa na lang ako sa naisip kong yun.

“Oo nga Keish, nakakahiya naman sakanila kung tayo lang ang magcecelebrate diba?” Sabi naman ni Lester kaya agad nyang naagaw ang atensyon ko.

“Oo nga naman Keish, so guys tara na? Siguro naman enough na yan para sating lahat. Hehe... baka nga maipatso pa tayo sa dami nyan eh!” si Rima. 

Sumakay na kami sa kanya-kanya naming sinakyan kanina at dumiretso na sa bahay. Tinext ko si Ate Jam kanina bago kami magpunta sa bahay kaya hindi na rin sila mabibigla pag nakitang kasama ko ang malalapit kong kaibigan pauwi.

"Whow second time around!" sigaw ni Adam pagkababa nya ng sasakyan. Nasa labas na din kami dahil una kaming dumating at hinihintay na lang sila.

"Haha tuwang-tuwa talaga??!" natatawang tanong ko kay Adam na talaga namang ang lapad ng ngiti sa mukha.

"Hahaha tuwang-tuwang-tuwang-tuwa!!" sagot nya kaya nagkatawanan kaming dalawa.

"Are we going in o magtatawanan na lang kayo dito sa labas?!" parang wala sa mood na tanong ni Lester. Parang kanina lang ang okay naman nya ah!

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon