KEISH'S POV
Days had passed, then weeks.... .
Andun pa din yung strange feeling ko na parang may nakamasid sakin. Parang may nagkabantay, don't know if ganun nga.
I didn't mind na lang since wala namang kakaibang nangyayari.
Adam is busy with his work kaya bibihira kaming magkita. Ako naman ay mas napadalas ang leave sa work ko dahil napapadalas din ang pagkahilo at panlalabo ng mga mata ko.
I called Dok Mendez na hindi muna ko makakapunta sakanya dahil hindi ko naman talaga kayang magpunta sa ospital mag-isa.
Hindi naman ako pwedeng magpasama kina Mama, Papa, or ate or even sa mga friends ko at mas lalong hindi ko naman pwedeng papuntahin sa bahay si Dok dahil nga tinatago ko ang lagay ko.
Sinasabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakakapasok.
I find it hard to convince them na masama ang pakiramdam ko dahil kapag iniinsit nilang dalhin ako sa ospital ay tumatanggi ako. Pero sa huli wala naman silang nagagawa kaya hinayaan na lang ako. Hindi naman ako mainit and normal naman ang body temperature ko kaya siguro hindi rin sila gaanong nag-aalala.
Minsan kasi sinabi ko na baka nasosobrahan na ko sa trabaho kaya kailangan kong magpahinga naman. Madalas lang akong nakahiga. Sabi ko na lang ay tinatamad lang talaga ko.
They used to bring my meals sa bed ko. Gusto ko naman dahil nga pakiramdam ko nahihirapan na ko.
Kapag naman binibisita ko ni Adam ay madalas nya kong naaabutang tulog. Late lagi ang uwi nya dahil nga sa busy sya. But he never fails to come and visit me kahit na pagod pa sya.
Ang daming pumapasok sa isipan ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
At takot ang nangingibabaw sa puso ko.
Nakapagdesisyon na ko.
I need to meet Dok Mendez.
Hindi ko na pwedeng patagalin pa to.!
Naligo ako, nagbihis. Pero halos pakapa ko ng ginagawa ang mga iyon. Blurry na talaga ang vision ko for now at ayaw ko munang ipahalata sakanila.
Two weeks from now ay gaganapin na ang engagement party namin ni Adam. Pero pano ko haharapin ang mga tao? ang pamilya ko? at ang fiance ko kung ganito ang kalagayan ko.
I need to do something.
Matapos kong magbihis ay naupo muna ko sa kama ko. Paano ko lalabas ng bahay at magdadrive papunta sa ospital?
TOK!
TOK!
TOK!
"Pasok!" I said calmly.
"Oh Keish may pupuntahan ka ba?" si Ate Jam pala.
"Ah yeah." sabi ko na lang.
"Ganun ba? Sige sabay na lang ako sayo. Tinatamad akong magdrive eh." sabi nya.
"Hindi pwede!!" gulat na nasabi ko na lang.
"Huh? Damot lang??!" si ate.
"Hm hindi sa ganun. Kasi malayo at iba sa way ng pupuntahan mo yung pupuntahan ko." pagsisinungaling ko.
"Tsk! Whatever!. Sige na nga, dalhin ko na lang kotse ko." siya.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
Ficção Geralthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!