#71 New One

98 3 0
                                    

RIMA'S POV

Andito ko ngayon sa bahay nina bess, siya lang tao dito dahil nasa work pareho sina Tito and Tita at pati na rin si Ate Jam, naiiwan na nila si Keish mag-isa sa bahay dahil tiwala na silang hindi nito pababayaan ang sarili and since mag-isa sya, I decided na puntahan na lang siya.

 

Iniwan ko muna si Jareem sa daddy nya, hehe binigyan ko muna ng time magkulitan yung dalawa tapos ako naman si bess muna ang kukulitin ko. Kabwanan na kasi nya ngayong September kaya panay ang payo sakanya tungkol sa pag-aalaga ng baby. Di man sya makapagsalita ay halatang super interested sya sa mga sinasabi ko at halatang isinasaisip.

 

We're just a bit afraid dahil sa makailang beses din syang sinugod sa hospital habang nagbubuntis dahil nga sa maselan ito, mabuti na lamang ay malakas ang kapit ng bata sa kanyang sinapupunan kaya laking pasasalamat namin sa Diyos dahil umabot ang kabwanan nya ng maayos ang lagay nilang dalawa.

 

"Sa una bess talagang nakakakaba lalo na kapag yung papaliguan mo yung baby... hehe ang lambot kasi ng balat kaya talagang doble ingat dapat. Tamang dahang-dahang punas lang ang ginagawa para maassure mong hindi masusugatan yung balat nya kasi sensitive pa masyado eh... Tapos bess yung pagpapalit ng diaper... .haha I remember nung first time ko kay Jareem!! Haha basta ayun habang baby pa cotton muna yung pinampupunas sa butt ni baby para matanggal yung you know.... hehe. .Sa una medyo mandidiri kapa, pero hindi pa naman sya ganun kabaho kaya okay lang, pati syempre baby mo yun kaya kahit mabaho keri lang! Hehe, masanay kana rin sa pagpupuyat kasi minsan ang mga baby madalas umiyak sa gabi at sa umaga naman ay tulog, and you as her mom dapat lagi mo syang patatahanin at padededehin lalo na kapag gutom.. .so ang lagay, kailangan mo syang sabayan sa pagtulog. Ikaw talaga ang kailangan mag adjust... ." matamang nakikinig lang siya sa mga sinasabi ko habang himas himas ang kanyang tyan. Nakakatuwang siyang tingnan dahil sa wakas ay hindi na niya ipinagkakait saamin ang mga ngiting namiss namin ng sobra.

 

Bumabalik na ulit yung palangiting bestfriend ko, pero yung mga simpleng ngiti lang. Ayos na yun, kontento na kami sa ganun. Ang mahalaga ay nalalaman na namin ang kung ano mang nararamdaman nya base sa emosyong ipinapakita nya hindi katulad ng dati na wala man lang kaming kaideideya.

 

"Tsaka bess dapat breastfeed ah... Hehe para healthy si baby! Medyo nakakailang sa una kasi nakakakiliti pero sanayan lang nam---" sa reaksyon nya ay parang napalunok pa sya. Naimagine nya siguro yung sinasabi ko kaya parang nakaramdam siya ng pagkailang pero may kasama din namang excitement doon sa mga mata nya.

 

Gusto kong matawa dahil parang napapangiwi pa sya sa mga sinasabi ko eh. Haha excited nga.! "Ahehe wag ka namang masyadong maexcite magpadede bess, kaw naman!" napahampas pa ko sa braso nya ng mahina habang tumatawa. "Haha namiss mo na siguro yung may umaano sa ano mo... Ahahaha" tawa pa rin ako at nakangiwi pa rin sya. Napatigil ako sa pagtawa ng mapansing kakaiba yung pagngiwi nya at ang kamay ay nakahawak sa tyan.

 

"Bess naman ba't dika nagsabing naiihi kana pala! Dyan kapa umihi, naman lapit lang ng ban----!" bigla akong napatigil sa pagdada dahil sa boses na lumabas sa bibig nya. "Ughhhh!" pasigaw ngunit hindi kalakasan iyong pagkakabanggit nya. "Oh my gosh!" usal ko na lang at bigla ng nataranta. Shet! Panubigan!!

 

Anong gagawin ko? OMG talaga!

 

"OMG bess!! Manganganak ka na!"  sigaw ko at bigla ng napatayo! Dadamputin ko na dapat yung phone ko para humanap ng matatawagan to ask for help and tell that Keish is now giving birth. "Ughhhh!" sigaw nya ulit at this time hindi ko na talaga alam ang gagawin ko dahil kitang kita ko sa mukha nya ang sakit.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon