#Special Chapter

118 3 0
                                    

Matapos ang paghihirap na naramdaman sakanyang panganganak ay sa wakas maginhawa na ang pakiramdam ni Keish.

Tiningnan nya ang baby at mas bumuhos ang luha sakanyang mga mata. Dumoble ito kumpara sa luha nya kaninang nahihirapan sya. Ang anak nya, sa wakas ay lumabas ng ligtas mula sakanyang sinapupunan. Malusog ito at makisig, walang dudang may pinagmanahan.

Nang marinig ang iyak ng baby ay dali dali syang bumangon sa pagkakahiga para kargahin ito at tahanin.

  

Nagulat na lamang sya ng biglang may makitang liwanag ng akmang kakargahin na ang anak.

"Keish..." biglang lumakas ang pagpintig ng puso nya. 

Isang pamilyar na boses. Boses na kahit kelan ay hindi nya makakalimutan. Boses na matagal na nyang pinangungulilaan.

Tumingin sya sa lugar kung saan puro liwanag lamang ang naroon. Sa una ay nasisilaw pa sya, pero habang tumatagal ay naaaninag nya ang isang pigura.

Sabik syang sinalubong ng titig ang imaheng ngayon ay papalapit na sakanya. Hindi sya makapaniwala na makikita nya ulit sya, ang lalaking pinakamamahal nya. Ang lalaking gustong gusto na nyang makasama.

"Le-lest....?" mangiyak-iyak pa nyang sambit sa pangalan nito. Kinusot pa nya ang kanyang mga mata upang makasigurong hindi siya nanaginip. Matapos kusutin ay nakumpirmang sya nga ito, si Lester. Malapad ang ngiti nito sakanya habang papalapit.

"Lest!" nang makalapit ito ay agad nya itong niyakap ng mahigpit. "Andito kana! Lest miss na miss na kita. Sobrang miss na kita.!"

"Ganon din naman ako. Masaya ko dahil magkasama na tayo..

"Oo nga! Sobrang saya ko! Matutuloy na din sa wakas ang kasal natin!" sabik na wika ni Keish. "Teka!!" lumingon sya sa may banda kung saan naroon ang isang sanggol, ang kanilang anak. "Lest.. .. tingnan mo oh... .anak natin sya.." hinawakan ni Keish ang kamay ni Lester para ilapit ito sa sanggol na nasa may tabihan lang nya.

"Napakaganda ng mga mata nya. Kahit na pikit pa iyon ay halatang kuha ang kasingkitan ng mga mata mo pati na rin ang mga kilay mo.." nakangiting sabi ni Lester kay Keish habang pinagmamasdan ang sanggol na tahimik ng natutulog. Si Keish naman ay biglang nakaramdam ng hiya sa lalaking mahal. Kahit na matagal na silang magkakilala at nagmamahalan ay nakakaramdam pa rin siya ng hiya sa tuwing pinupuri sya nito.

"Sayo nya nakuha ang tangos ng ilong.. ." nahihiya pa halos na sambit ni Keish.

"Pero sayo ang kanyang manipis at mapupulang labi..." nag-init ang pisngi ni Keish pagkarinig doon. Bakit ba sya nahihiya pa rin? Hindi nya rin maipaliwanag. Mas lalo syang nahihiya kapag nakikitang nakangiti ang lalaki habang nakatitig sakanya. Pakiramdam nya ay matutunaw siya ng wala sa oras.

"Anak nga natin sya..." sambit na lang ni Keish.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon