JAM’S POV
Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman para kay Lester pagkatapos ng mga nalaman ko.
Napakasakit nung ginawa nya kay Keish pero may part sa isip ko na di ko maalis – yun yung ramdam kong mahal nya din talaga si Keish.
Sa nakikita ko sa kapatid ko, wala sa puso nya ngayon ang patawarin si Rima lalong lalo na si Lester.
Wala na syang ibang ginawa kundi ang umiyak at magmukmok sa isang sulok ng kwarto nya.
Love nga naman…. .
Hindi ko rin sya masisisi.
Umibig na din ako at alam ko ang pakiramdam ng masaktan kapag ikaw ay nagmamahal. At dahil si Lester ang kauna-unahang lalaking minahal nya, ganun katindi ang epekto nito sa puso nya.
Mag-iisang linggo na rin ang lumipas matapos ang graduation nila.
Panay ang punta ni Lester sa bahay pero hanggang sa may labas lang ng gate ang abot nya.
Obviously ayaw syang makita ni Keish.
She’s in pain, so much pain.
And she hates him for that, because all she did was to love him. All her heart was already given to him even before he didn’t told her that she is not just a friend for him, and what made it more painful for her was that he confessed his love for her and she believed it. After of dreaming and hoping for so long, she finally felt his love, and that’s the happiest moment in her life – to feel his love, yet she got hurt.
And feel fooled.
“Keish please talk to me ! What’s going on with you – with us?” dinig kong sigaw nanaman ni Lester sa labas ng gate namin. Buti na lang ay madalas nasa seminar sina Mama at Papa kaya hindi nila nakikita ang ganitong sitwasyon ni Lester na alam nilang matalik na kaibigan ni Keish. At pakiwari ko ay ramdam din nilang may pagtingin si Keish sakanya.
Naging madalas ang paglabas nila nung nakaraang linggo bago pa man sumapit ang graduation nila kaya alam kong may hint na din ang mga parents namin sa status ng dalawa. Tiwala na sila kay Keish kaya siguro hindi na rin nila pinakialaman pa.
Halos araw-araw ganito ang ginagawa ni Lester. Walang sawang nagsusumigaw sa labas ng bahay at naghihintay na lumabas si Keish para sakanya.
Pero lagi syang bigo.
Naaawa din ako sakanya, pero naaawa din ako sa kapatid ko. At wala akong magawa dahil alam kong sa ngayon ay napakatigas ng puso nya – dahil sa sakit na ramdam nya.
“Lester please din, sana intindihin mo na lang muna si Keish. Ayaw nyang tumanggap ng bisita.”parang nagmamakaawa kong sabi kay Lester. Nagmamakaawa ako hindi lang para sa katahimikan ni Keish, kundi para na rin sakanya. Nahihirapan din akong makita syang nagkakaganyan lalo at napamahal na din sya sakin at parang kapatid na ang turing ko sakanya.
“Pero Ate bakit pati ako? Bakit ayaw nya din akong makita? May nagawa ba kong hindi maganda? Pakitanong naman, magsosorry ako, babawi ako..please naman ate oh. Okay naman kami bago yung graduation eh. Ang saya pa nga namin.”pagmamakaawa nya ulit na kitang kita ang sinseridad sa mga tinig.
Isa yon sa mga hindi ko maintindihan. Bakit wala syang alam? At bakit hindi nya alam kung ano ang ginawa nya kaya ngayon ay kinakamuhian sya ni Keish.
“Hindi ko alam Lester. Basta ayaw nya lang ng bisita. Masama ang pakiramdam nya.” malumanay kong tugon at bahagyang yumuko. I lied. Natigilan sya at napatingin ako sakanya. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Parang may inis akong naaninag doon sa itsura nya.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!