#56 Back Again

104 3 0
                                    

KEISH'S POV

Higit isang buwan na rin akong nandito sa Batangas.

Parang itinuring nga akong tunay na anak ni Manay. Kasama ko sya dito sa bahay na tinutuluyan ko. Ramdam ko ang pag-aalaga at pag-aasikaso nya sakin. 

Hindi nya ko pinabayaan.

Syempre hindi nawawala saakin ang makaramdam ng kalungkutan dahil pakiramdam ko taon ko ng hindi nakakasama ang mga taong mahal ko sa buhay. 

Miss na miss ko na sila.

Hindi ko pa rin mapatawad ang sarili kon dahil bigla na lamang akong umalis ng walang pasabi. Alam kong nag-alala sila pero mas mag-aalala sila kapag nalaman nila na ganito ang kalagayan ko.

At iyon ang ayaw kong mangyari.

"Oh lalabas ka nanaman ng walang kasama?" si Gary sabay kuha sa kamay ko at alalay sakin patungo sa tambayan ko.

Haha, Oo. May tambayan na ko ngayon dito. Malapit lang naman. Sa gilid lang nitong bahay na tinutuluyan ko.

May duyan doon na nakasabit sa punong kahoy. Doon ako namamalagi sa tuwing gusto kong makapag-isip. Sa tuwing gusto kong pagaanin ang pakiramdam kapag napupuno ito ng kalungkutan.

Doon ako nakakapagmuni-muni.

Hindi nyo naitatanong, si Gary lang naman ang pinakamalapit na kaibigan ko dito. Syempre si Manay ay parang Nanay ko na din.

"Kaya ko naman. Memoryado ko na kaya! Matalino ata to' noh!" sabi ko na lang kay Gary. Nung unang araw na tumungtong ako sa lugar na ito ay wala syang kaalam-alam na ganito ang lagay ko dahil sinadya kong hindi ipahalata sa takot na baka pagsamantalahan nya ang kahinaan ko. Natatawa na lang ako dahil ngayon, ang taong pinag-isipan ko ng masama ay inaalagaan na din ako.

"Haha..Kaw talaga!! Alam ko naman yun! Magkaibigan na tayo kaya hindi mo na maaalis sakin ang mag-alala sayo." sagot nya habang nakaalalay saakin.

"Hehe tamis naman nun!!" sabi ko.

"Talaga?? So, may pag-asa na ko?!" tanong nya.

"Tsk! May fiance na ko kaya wag ka ng umasa!! Mabait yun at gwapo, di tulad mo!" biro ko naman sakanya at naramdaman ko na lang ang pag ngisi nya.

"May fiance ka nga pero di mo naman kasama.! Tsaka mabait din ako, baka nga mas gwapo pa ko sa fiance mo eh.! Nagkataon lang na di mo nakikita mukha ko!! Hehe" siya.

"Haha sige mangarap ka." sabi ko na lang habang tumatawa.

"Siguro sinadya talaga ng tadhana na dumating ka dito ng malabo ang mga mata.?" Gary.

"Hm bakit mo naman nasabi?" tanong ko.

"Kasi kung nagkataon...Hm baka nagtaksil ka sa fiance mo ng di oras! Nakakaakit ata tong kagwapohan ko!" sabi nya. 

"Gary pasok na tayo?" aya ko sakanya sa seryosong tinig at itsura.

"Hala bakit? Oy namiss mo fiance mo? Joke lang yun. May nasabi ba kong masama? Sory na Keish..?" Gary. Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Masyado syang guilty, napakabilis lokohin.

Naalala ko tuloy si Adam.

"Wala naman." ako.

"Eh bakit bigla ka nag-aya pumasok?" siya.

"Baka kasi biglang bumagyo dala ng kayabangan mo. Haha!" sabi ko na lang.

"Niloloko mo naman ako eh" Gary.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon