#62 Feeling Normal

93 3 0
                                    

KEISH'S POV

Kinabukasan ay naghanda kami ni Adam para sa pagbalik sa Maynila. 

Maliban sa excitement sa pagbabalik sa pamilya ko ay napakasaya ko rin dahil sa wakas ay ang gaan na ng pakiramdam ko. Walang sama ng loob, walang poot, walang kahit na anong negative vibes. Wala man akong paningin na babalik doon, ang mahalaga ay nasa ayos na ang lahat.

Tuluyan ko ng pinatawad si Lester at si Rima. Siguro may kasalanan nga si Rima, pero wala sa intensyon nya ang agawin saakin noon si Lester. Isa pa namiss ko rin talaga ang bonding naming dalawa, idagdag pa ang kakulitan ni Jareem. 

Ang saya ko talaga!

"Wow ang ganda ng ngiti ng honey ko ah..." dinig kong sambit ni Adam habang nakahawak sa kamay ko.

"It's because of you, thank you.." sabi ko na lang na nakangiti pa rin.

"Ang it's all for you..Let's go?" sabay bukas nya sa pinto.

"Teka! San si Manay? Si Gary?" napatigil ako bigla. Ayokong umalis ng hindi man lang nakakapagpaalam kina Manay at Gary.

"Naku Keisha ija..! Mamimiss kita! Nasanay agad akong kasama ka.." si Manay, nakayakap sya sakin.

"Manay naman..syempre mamiss din kita! Wag kang umiyak ah? baka maiyak din ako eh..." sabi ko pa habang nakaakap sakanya.

"Hindi ako iiyak, yung beauty baka masira, kailangan ko pang magjowa.!" natawa naman ako. Walang kupas ang karisma ni Manay!

"Haha ikaw na!! Salamat po sa lahat! Punta kayo pag kinasal kami ni Adam..." sabi ko na lang. Sa sinabi kong yun alam kong nanlaki nanaman ang tenga ni Adam. Natawa tuloy ako sa isiping yun.

"Oo naman! Kaw pa!! Sigurado ko madaming poging taga maynila doon!" biro pa ni Manay.

"Hehe syempre naman po! Pakilala ko kayo kay Prince, kaibigan namin ni Adam. Gwapo yun at mayaman tapos single pa! Baka pag nakilala kayo magkainteres na sa babae yun!" biro ko at dinig ko ang paghagalpak ng tawa ni Adam. Hindi ko rin tuloy mapigilan ang matawa sa sinabi ko. "Nga po pala, asan si Gary?" tanong ko dahil gusto ko rin makapagpasalamat sakanya sa lahat lahat ng kabutihang nagawa sakin.

"Ah may ginagawa pa..." bigla naman akong nalungkot sa sinabi ni Manay kaya bumagsak ang balikat ko. "Oh eto na pala!" kasabay noon ay bigla akong nabuhayan! Baling sa kaliwa at sa kanan.! Niloloko ko lang sarili ko, hehe as if makikita ko sya noh?

"Keish!" ayun at dinig kong tawag nya. Parang hingal na hingal pa. Tumakbo pa siguro to papunta dito.

"Kala ko di na kita makikita bago ko umalis! At este di pala maririnig at mararamdaman! Hehe" bungad ko pagkarinig sa tawag nya. Hindi ko sigurado pero parang nasa harapan ko lang sya.

"Pwede ba naman yun! Ayoko na nga sanang pumunta kasi malulungkot lang ako pag nakita kang paalis pero diko matiis na hindi ka makita sa huling pagkakataon.." sabi pa nya. Touch naman ako!

"Buti na lang pala bulag na ko at dina kita makikitang nalulungkot sa pag-alis ko, baka kasi diko na magawang umalis pag nangyari yun!" sabi ko pa.

"Di nga? Tara padoktor muna natin yang mata mo bago ka umalis! Malay mo makakita ka agad tapos makita mo kong malungkot tapos dika na aalis tapos di kana lang tapos magkasama pa din tayo..." sabi naman ni Gary...Hehe magkasundo talaga kami pagdating sa mga ganitong bagay..

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon