KEISH'S POV
Monday na at pasukan nanaman.
Nakakapagtaka lang at walang Lester na sumulpot sa likuran namin ni Rima habang naglalakad sa hallway papuntang classroom.
"Keish absent ba si Lester? di ko yata sya ramdam ngayon?" Tanong ni Rima sakin at alam kong ipinagtataka nya rin ang hindi pagsulpot ni Lester. Parehas lang kami.
"Baka late lang, yun pa!! umabsent?? sipag na yata nun pumasok nuh.." sabi ko na lang. Sa pagkakaalam ko kasi ay napakahalaga na sakanya ng bawat araw dito sa eskwelahan.
"Ah baka nga!" Tumuloy na lang kami sa paglalakad at pumasok na para di malate sa first subject.
Hay bakit kaya di man lang nagparamdam yun? Nasan kaya sya ngayon? Ano ba pinagkakaabalahan nya? Nagtampo kaya sya at diko nasamahan kahapon? Siguro nakahanap na ng bagong kaibigan.. Hayy talaga naman!
Eto ko ngayon nakapangalumbaba habang nakatingin sa kawalan. Diba nya alam na saglit ko lang sya di makita eh sobrang nag-aalala na ko sakanya?
"Ms. Acosta now tell me what is Refraction?"
Lester naman pinag aalala mo ko.
"Ms . Acosta are you listening??"
Bakit di ka man lang nagparamdam?
"Keish tawag ka ni ma'am !" untag sakin ni Rima at tuluyan na kong bumalik sa katinuan. Hindi ko maiwasang hindi isipin yun. Simula kasi nung maging close kami eh lagi na sya halos sumasabay samin kapag papasok kami at kahit sa pag uwi pa. Nakakapanibago lang!. Ay teka nga!! Ano bang sinasabi nito ni Rima?
"Ahy wag ka ngang magulo may iniisip ako!! " at nagtawanan ang buong klase..anu nakakatawa naman kaya? duh epal talaga tong mga kaklase ko.!!
"Ano ba bess?! Kanina ka pa kaya tinatawag ni ma'am!!" ngumuso siya sa unahan. Nakita ko si ma'am na nakataas na ang isang kilay habang nakatingin sa may likuran ko. Hala! Likuran ko nga ba o sakin?? Bakit parang sakin? Ano naman kaya problema nito ni maam? Tawag daw ako oh! Bakit naman kaya?
"Bakit daw??" tanong ko kay Rima.
"Timang!! Pinagrerecite ka kaya!!" Napatingin ako sa teacher namin at mukhang kanina pa nga nya ko tinatawag, daig pa si Ms. Minchin kung makataas ng kilay talaga naman! Recite? Ano naman ang irerecite ko??! Haizt! Di ko naman kasi narinig eh!
Lagot na!
"Ah ma'am can you please repeat the question?? I'm sorry di ko narinig masyado.." napapahiya kong sabi.
"Can you define what is refraction??" naka cross arms pa talaga..! Tumayo na lang ako. Naubos na yata ang pasensya kakatawag sa pangalan ko. Bakit kasi ako nanaman eh pwede naman yung iba.!
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!