LESTER'S POV
Matapos ang araw na iyon ay balik sa dati ang lahat. Nasa malayo lang ako at pinapanood sya sa twing namamasyal sa may tabing dagat, sa twing kasama nya si Manay, at sa twing magkakwentuhan sila ni Gary.
Syempre masakit, pero may magagawa pa ba ko.?
Sila Rima ay bumalik muna ng maynila. Ewan ko kung kelan ulit sila babalik dito. Gaya nung mga nakaraan ay parang wala parin syang ganang magpakakulit at parang wala pa din sa mood.
Kinausap din ako ni Gary tungkol sa pagpunta ko para sana icheck si Keish. Sinabi ko sakanyang hindi ko nga nagawa yung dapat kong gawin pero syempre hindi ko sinabi yung totoong rason. Sinabi din nyang ayaw daw talaga ni Keish, baka magalit lang pag pinilit. Antayin na lang daw namin makapagdesisyon sya pag handa na syang pumunta sa ospital.
Palagay na ang loob sakin ni Manay at ni Gary kaya minsan kapag wala sila para tingnan si Keish ay ako ang pinagbabantay nila. Pumapayag naman ako pero sa twing ako ang nakabantay sakanya ay parang na mighty band naman ang bibig ko. Hind ako nagsasalita, panay lang ang pakinig ko sa mga sinasabi nya at nakikiramdam na lang ako sa mga bagay na kailangan nya para maiabot ko sakanya.
Pinagluluto ko sya, pinaghahainan, inaakay sa mga pupuntahan nya maging pagpunta sa banyo at sa kwarto nya ay inaalalayan ko sya. Minsan na sobrang taka sya dahil ang bait ko daw at napakamaalaga.
Iyon nga lang ay akala nya si Gary daw ako. Okay lang, sanay na naman ako. Si Gary lang naman ang pinakamalapit na kaibigan nya dito. Pareho lang din naman kami ng katayuan sa puso nya kaya tama na sakin ang salitang kontento dahil kahit papaano ay nakakatulong at nakakalapit ako sakanya.
"Gary bakit biglang ang tahimik mo nitong mga nakaraan? Di ako sanay ng di nararamdaman ang bagyo mo!" sabi ni Keish habang tumatawa. Eto ang ikinakainggit ko kay Gary. Nagagawa nyang patawanin si Keish kahit wala sya.
As usual tahimik pa din ako.
"Oy magsalita ka naman! Bulag na nga ako dito! Napipe kapa!" untag nya. Gulat naman akong napatingin dahil sa sinabi nya at napabuntong hininga na lang. Bakit ba parang tanggap na nyang mabubulag talaga sya? Kainis wala akong magawa!!
"Oy naman eh ayaw magsalita!! Sabi naman kasi sayo maghanap kana lang ng ibang babae dyan!! Wag na ko kasi taken na ko noh!" alam kong biro nya lang ito. Kung alam lang sana nya ang totoong nararamdaman ni Gary para sakanya.
"Hehe joke lang yun!! Wag mo seryosohin ah!! Nga pala bakit mukhang malungkot ka hah?" lumapit sya ng bahagya saakin. Nasa mahabang sofa kami nakaupo. Napaayos naman ako sa pagkakaupo ko.
"Panay buntong hininga ka naman dyan eh!! Siguro nalulungkot ka dahil dun sa kinwento ko sayo tungkol dun sa first love ko noh? Nu ka ba! wag mo ng isipin yun. Tapos na yun at nakamove on na ko!" sabay ngisi nya. First love? Ako ba yun? Pagkakaalam ko ako nga yun.! At sa kauna-unahang pagkakataon ay tumikhim ako at inihanda ang sarili para magsalita. Nacurios ako bigla sa sinabi nya eh.
"Ahm....ah...eh..ah.." kala ko kaya ko ng kausapin sya, tsk hindi pala!
"Nag-iba ata boses mo? tsk! kaya pala nabawasan ang bagyo! daldal mo kasi ayan namamaos kana! Hmm wag mo ng isipin yung nikwento ko sayo tungkol dun ah? Wala na sakin yun.! Oo nasaktan ako kasi niloko ko ng first love at ng bestfriend ko pero ayos na ko. Andyan naman si Adam at di nya ko pinabayaan. Sobra pa sa salitang sobra ang pagmamahal na binigay nya! At dahil sa pagmamahal nya yun....nawawaksi sa ala-ala ko ang pang gagago ng mga taong yun sakin.! Para ngang wala na lang sakin pag nakikita ko sa isip ko yung moment na naghahalikan sila nung graduation namin eh!! Heheehe" si Keish. Halos bumagsak ako sa kinauupuan ko. Ganun sya kamuhi sakin?saamin? Tama nga ang naisip ko. Nakita nya nung hinalikan ako ni Rima. Ang sakit naman..ako dapat yung nagparamdam sakanya ng sobra pa sa salitang sobra na pagmamahal eh!! Ako dapat, pero wala eh, naramdaman na nya, at hindi saakin kundi sa iba!
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!