#19 Better off this way

145 3 0
                                    

KEISH'S POV

"Uy san ka galing kanina??! Nagkita kayo ni Lester??!"  Tanong sakin ni Rima pagkaupo ko sa tabi nya.

 Napakausisa nya talaga.

  

"Ah oo!! nagpatulong lang sa physics subject nya!"  Ayoko mang magsinungaling sa bess ko pero no choice, parang diko kayang ikwento pa sakanya yung mga nangyari kanina lang. Nakakaramdam lang kasi ko ng konting kirot sa dibdib pag naiisip ko yun.

Binibigyan ko na lang sya ng fake smile kapag nag-uusap kami.

  

Fake, kasi sa totoo lang kahit kontento na ko at masaya sa friendship namin ni Lest andun pa rin yung part na parang I'm still hoping na someday magugustuhan din nya ko ng higit pa sa isang kaibigan, lalo nitong mga nakaraan na parang nag-iiba ng konti ang treatment nya sakin.

Feel ko kasi talaga how he cares for me though di nawawala ang pang aasar, pero parang masyado lang ata talaga akong feeling.

  

Pero yung sinasabi kong pagiging feeling ay hindi ko rin mawari. Minsan kasi iba ang mga kilos nya pag magkaharap kaming dalawa lalo na pag malapit kami sa isa't isa.

Gaya na lang kanina, yung mga titig nya sakin parang napakamakahulugan tapos bigla na lang nag iba at  nawala lahat ng yun kapag may nagsalita ng isa samin.

Nagmistulang assuming lang talaga ko.

He don't even say goodbye after what happened when I unintentionally pulled him over me, bigla na lang syang umalis ng wala man lang lingon.

Iniwan na lang nya ko bigla na para nanamang napaso kahit dipa naman nagkakadikit ang mga balat namin.

Worried tuloy ako na baka dahil dun mawalan na naman sya ng time para sakin. Di ko na ata matitiis yun. Isang araw nga lang na diko sya makita parang katumbas na ng isang taon. Di nyo naman ako masisisi, mahal ko sya eh -- mahal na mahal -- noon pa man.

  

Di ko alam kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo sya lang yung nakakagawang pabilisin ang tibok ng puso ko. Madami namang gwapong lalaki sa school na di hamak namang mas nice sakanya bago ko pa siya maging kaibigan pero ewan ko ba kung bakit sa kanya natuon ang atensyon ko at sya ang naging crush ko -- turned love ko.

 

LESTER'S POV

Nagkakasama kami lagi nina Keish sa school pero wala ng masyadong bonding. Nakita kong may dalang gitara yung isa kong classmate na guitarist sa band ng school kaya hiniram ko saglit para pantanggal inip habang nag aantay ng next subject namin, wala kasi yung teacher namin sa isang subject kaya free kami ng mga 30minutes.

  

Sinubukan kong iplay yung guitar,  marunong pa pala ko.

Nag gigitara din ako dati pero dahil sa hindi namin pagkakaunawaan nun ni daddy napagbuntunan ko ng galit ang gitara ko kaya nabasag.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon