LESTER'S POV
Bakit kaya ganun?? Pagdating sa bestfriend ko lagi na lang akong naduduwag. Badtrip!!
Nagkakilala pa 'tong si Keish at Adam, kelan lang sila nagkakilala pero parang ang close na agad nila, kulang na lang daigin ang pagiging magbestfriend namin..!
Kami ni Adam ang nagluto para sa dinner namin nung gabing yun. Medyo pansin kong mas nagustuhan nina tito, tita at ate jam yung luto ni Adam, di bale na mas nilantakan naman ni Keish at Rima yung luto ko. Haha solve na ko dun!!
Iniisip ko lang.. . parang dehado ko ng konti sa family nya pagdating kay Adam, tsk!! Whaaat?? Ano ba 'tong pinagsasabi ko?? I'm not competing against Adam - his my friend at walang ibig sabihin yung utak ko, and Keish is just a friend also - bestfriend to be exact.
Nakakaasar pa hindi sya yung kaduet kong kumanta!! I mean hindi naman sa ayoko kaduet si Rima ang totoo maganda din ang boses nya at hindi totoong masama ang dating sa tenga - si Keish lang talaga ang gusto kong kasabay kumanta, nag eenjoy kasi talaga ko eh.
Inenjoy ko na lang din, kesa naman maging kj ang labas ko sa jamming naming apat.
Ako pa talaga ang nag gitara para sa duet ni Keish at Adam, diba pwedeng si Adam na lang din tutal sya naman ang kakanta at sya din ang nagrequest ng kanta?? Eto nanaman ako, remember Adam is a friend not a rival.!!
Kasi naman nakakaloko ang ngitian nila ni Keish habang kumakanta eh, panay hand gestures pa na parang kinakanta nya talaga yung Just the Way You Are para kay Keish at ang babae naman parang kilig na kilig, kaya ko naman yun ah?!! Baka nga mas magaling pa ko sakanya eh! and I mean every single word from the lyrics of that song.
Kahit ano pa man si Keish ngayon I'm happy being with her, I like her and I adore her just the way she is. Yeah diko maamin sa sarili ko at lalo sakanya, pero alam ko at alam ng puso ko na more than friends na ang tingin ko sakanya.
At ikinakaselos ko ang pagiging close nila!
Ni hindi ko nagawang magpaalam ng maayos bago kami umuwi unlike Rima and Adam na kulang na lang mag speech pa, sorry di lang kasi ko sanay magsabi ng mga sweet words -- korni eh!
Pero naisip ko habang nagdadrive baka maungusan pa ko ni Adam so I decided to text Keish.
I said thank you sa text with matching pang aasar and sana sya na lang yung ka duet kong kumanta, but instead of saying sweet reasons for what I've said dinahilan ko pa na nawawala ako sa tono dahil kay Rima - coward!!
Why can't you just be honest with your feelings Lester??
Kita ko sa reply nya na asar nanaman sya, dati natutuwa ako pag nakikita kong naasar sya pero ngayon may kasama ng konting worries, baka kasi magsawa na sya sakin lalo ngayong may dumagdag ng Adam sa buhay nya na alam kong nagpapasaya din sakanya.
And I'm afraid na baka dumating yung time na mas mapasaya sya ni Adam kesa sakin.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!