#66 All of a Sudden

115 4 0
                                    

KEISH'S POV

Walang paglagyan ng saya!

Tatlong araw na ang lumipas mula nung party ay pakiramdam ko hindi pa rin totoo ang lahat. Parang panaginip lang? Yung hindi kana talaga umaasa sa isang bagay na mangyari pa pero nangyari bigla?!

Minsan nga ay marahan ko pang sinasampal-sampal ang sarili ko para lang magising sa katotohanan. Hehe nakakatawa pero seryoso! at totoo nga!!

Syempre! Kami na ulit ni Lester tapos higit pa dun ay engaged na kami.!

On the other hand hindi ko rin maiwasan ang malungkot minsan kapag naaalala ko si Adam. Sobrang thankful ako ng dahil sa ginawa nya. Alam kong mahal na mahal nya ko pero nagawa nya pa rin akong pakawalan para sa lalaking mahal ko, for the second time. And worst was, yung sobrang pinaghandaan nyang party para saming dalawa ay napunta samin ni Lester. 

And it was his plan!

Nalaman ko ding kasal na pala talaga yung plano nya, kaya pang wedding yung theme. Then nauwi sa engagement namin ni Lester.

Noon ko lang din napansin na wala na pala ang singsing na bigay ni Adam sa daliri ko. Hindi ko alam kung paanong nawala iyon, pero sigurado akong may kinalaman din sya dun. Hindi man iyon ang original na plano, ay ginawa nya pa din ang lahat para maging maayos ang engagement namin ni Lester.

Masakit yun sa part nya alam ko, pero ginawa nya iyon para sakin, ganun nya ko kamahal.

Mahal ko din naman sya at mahalaga sya sakin. Wala lang talaga sigurong makakapalit kay Lester sa puso ko. Mananatili ang puwang nya rito habambuhay.

Naulinigan ang pagmumuni-muni ko ng biglang may tumusok sa tagiliran ko. "Tayo na ulit!! This isn't a dream kaya no need to wonder!" mapanuksong sabi ni Lester sakin. Dinala nya ko ngayon dito sa park para ipasyal. Nakaupo kami sa isang bench na pandalawahang tao at nasa ilalim daw ng isang malaking puno.

Kaya presko at di mainit.

"Hehe hindi ko maiwasan eh. Hirap lang paniwalaan na sa tagal nating nagkahiwalay at sa dami ng pinagdaanan natin sa buhay, ni hindi ko inaasahang babalik pa tayo sa dati, yung dating tayo na masaya.." I smiled. Kinabig nyang ang ulo ko at isinandal sa may balikat nya.

"Ganun din naman ako. Pero hindi na importanteng isipin pa natin yun! ang importante ay eto tayo ngayon!! At mas magiging masaya pa tayo! Magkakasama tayo ng mas matagal, at mas pagtitibayin natin ang pagmamahal sa isa't isa. Di ko na kailangang magpromise sayo na forever akong mananatili sa buhay mo.." naiangat ko ang ulo ko mula sa balikat nya "...promises are meant to be broken sabi nila eh. Kaya gagawin ko na lang sya!" parang biglang nanlambot yung puso ko sa sinabi nya.

"I love you..." yun na lang ang naiusal ko. Hinapit nya ko para yakapin, "I love you x10 x10 x10 x10 x10 x10 x10 to the nth power!!!!" sigaw pa nya kaya natawa naman ako.

Nang hindi na masyadong ramdam ang sikat ng araw ay ay naglakad lakad kami sa loob ng park ng magkaholding hands. Para lang kaming normal na couple na nag hoholding hands while walking. Hindi ako nangangapa dahil sabi nya sabayan ko lang daw ang paglalakad nya at wag kong iisiping mababangga ako sa kung saan o makakaapak ako ng kung ano dahil hinding hindi daw nya hahayaang mangyari yun.

Ginawa ko naman. Naglakad ako na parang normal, na parang hindi nababalot ng kadiliman ang paligid ko, na parang nakapikit lang ako at pinupuno ng masasayang imahinasyon ang isip ko. Panatag ako dahil tiwala ako sakanya, dahil siya ang kasama ko, dahil sya si Lester, ang lalaking mahal na mahal ko at alam kong mahal na mahal din ako.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon