#07 This is it

198 5 0
                                    

KEISH'S POV

“My best ever friend Rima, guess what happened kanina and guess what’s the possible things to happen tomorrow!??”  Super excited kong balita after Rima answered my call.

”Excuse Me, I’m just your bestfriend, not any kind of manghuhula or whatever…” maldita nanaman nyang tono ng pagsagot sakin. Tsk! Di ko talaga magets tong bestfriend ko minsan! Mabait pero ang hilig magmaldita!! Haha adik yata to'!

“Ito naman kahit kelan talaga panira ng moment !” kunwari’y nagtatampo kong tono. Napaka nya kasi.

”Okay, so tell me what’s this call all about?” at parang napipilitan nya pang tanong. Kapag tampo na to ah !

“Alam mo ba bess starting tomorrow I’m gonna be Lester’s tutor and that means were gonna be together everyday…!” kinikilig kong sabi sakanya at kasama na din sa kwento ko kung paano humantong sa ganun ang ang lahat. 

“Pinapaalaahanan lang kita ah, you’re his tutor and don’t expect anything more than that, baka mas lalo kang mabaliw sakanya at sa huli tuluyan ka ng masaktan…”. Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa mga sinabi nya, kung iisipin talagang may point sya (deep sigh). But I won't take it negatively. Whatever happens pipilitin kong patatagin ang sarili ko.

  

“Sus nega ka talaga! Alam ko naman yun!! alam ko namang imposible syang magkagusto sa isang Keish Acosta lang pero di ko na iisipin yun, ang importante I have na this opportunity to get near him and be a good tutor and friend for him.” Matapang kong sabi sakanya, pero sa totoo lang masakit at di ko maiwasang isipin na baka nga dumating yung araw na sinasabi ni Rima - na masaktan lang ako.  "I'll be ready bess. Kakayanin ko to" dagdag ko pa. "Oh sya sige ibababa ko na to, pasensya na sa abala.." malungkot ko pang sabi.

"Hoy ano ka ba? Emo ka nanaman! Abala pinagsasabi mo dyan?!" yung tono nya kanina biglang napalitan ng pag aalala. "Ah hehe baka kasi kako may ginagawa ka kaya ibababa ko na to, sige na" pagdadahilan ko. "Okay sige, good luck na lang. Bye" pagkasabi nya nun ay ibinaba ko na ang linya.

Kailangan kong paghandaan ang mga posibleng mangyari sa pinasok kong ito kagaya na lang ng mas lalo pang paglalim ng paghanga ko sakanya, at sa bandang huli masasaktan lang ako dahil kahit kelan hindi nya magugustuhan ang isang katulad ko na kung tutuusin para lang damo sa hardeng nilalakaran nya.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Dumating na ang araw na kinasasabikan ko, ngayong araw na mag-uumpisa ang pagtuturo ko kay Lester. Kung nalalaman lang nya na napakasaya ko dahil sa naging pagpayag nya sa paraang naisip ko. Sinubukan ko lang naman, hindi ko talaga akalaing mapapayag ko sya. At dahil doon, ako na yata ang pinakaswerteng babae sa buong mundo!

Agad akong pumunta sa lugar kung saan ko sya itututor, sa may puno ng akasya.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon