KEISH'S POV
As what Adam used to do pag may pasok kami, maaga syang dumating para sunduin ako.
Naninibago ko sa mga kilos nya ngayon, nakikita ko ang mga smile nya pero parang may something na hindi ko maipaliwanag - parang may sadness?. Hindi rin sya ganun kahyper.
"So, kamusta weekends mo?" tanong nya sakin habang nagdadrive, napatingin naman ako sakanya.
"ahmm okay naman, ikaw? ano ginawa mo kahapon? di ka ata nagparamdam?" binalik ko ang tingin sa harapan pagkatanong sakanya.
"wala naman, nagreview lang muna. Malapit na finals eh.." tumango-tango na lang ako sa sinabi nya. Tapos tahimik na kaming dalawa.
Nakarating kami sa school ng tahimik ang paligid namin. Until dumating si Lester and Rima sa likod namin habang naglalakad papunta sa classroom.
"Hi lovers ! So how's your weekends?" masayang tanong ni Rima samin ni Adam, napatingin lang kaming dalawa.
Walang sumagot.
"Oh-oww, parang mainit ata ngayon." sabay paypay ng kamay nya sakanyang leeg. Mahilig pa rin talagang mang asar ang bess ko.
Deretso lang kami ng lakad.
"Oi Keish bakit parang ang tahimik ni Adam ngayon?" pabulong namang tanong sakin ni Lester. Nang mapansin kami ni Adam tumingin lang ito at hindi nagsalita tapos dumeretso na ulit ng lakad. "ewan di ko rin alam eh, kanina pa yan kaya di ko na muna kinukulit baka may pinagdadaanan lang?" pabulong ko ding sagot kay Lester, tumango na lang din sya pagkarinig sa sinabi ko.
"Andito na tayo, eto na books mo. Ingat huh?" tumango ako tsaka iniabot saakin ni Adam ang mga libro ko "Salamat" sagot ko at ngumiti sakanya.
Papasok na sana kami ni Rima ng biglang magsalita ulit si Adam. "Ah Keish pwede ba tayong mag-usap mamaya after lunch?" nakita ko ang smile nya pero parang pilit parin iyon. Tumango na lang ulit ako at saka ngumiti pabalik sakanya.
It feels like ang seryoso ng sasabihin nya sakin, napapaisip ako. Nagsawa na kaya sya sa panunuyo sakin? ayaw na ba nya agad sakin? Yun ang mga tanong na pumapasok sa isipan ko na pwedeng pag-usapan namin ni Adam, wala naman kasing ibang pwede pag-usapan eh.
Buong klase ay tahimik ako. Hanggang sa matapos lahat ng subjects. Pero pag tinatawag naman ako para mag recite ay sumasagot naman ako, at iyon lang ang oras na maririnig ang boses ko.
LUNCH TIME !
Sabay-sabay pa rin kaming apat nag lunch, at kagaya kanina tahimik pa rin sya kaya tahimik kaming apat habang magkakasama.
Bibihira mangyari ang ganito na kaming apat tahimik.
Para tuloy pati mga studyante sa canteen ay naninibago sa katahimikan namin. Di kasi talaga uso saming apat ang salitang yun lalo pag magkakasama kami.
"Tapos ka na bang kumain?" Adam asked na kanina pa natapos sa lunch nya, inaantay na lang nya ko.
"Ah oo, bakit?"
"Diba I asked you kanina if pwede tayo mag-usap? Can we?"
"Ahy oo nga pala, sige !"
"Pwede wag tayo dito?" Napatingin sakin sina Lester at Rima, tumayo naman si Adam sabay lahad ng kamay sakin. Inabot ko din ang kamay ko sakanya atsaka kami tumayo sa mesang inuupuan namin. Naiwan dun si Lester at Rima, tinanguan lang nila ko pagtayo namin bilang tanda na okay lang sakanilang umalis na kami.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
Fiksi Umumthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!