#38 Final Exam

86 2 0
                                    

KEISH'S POV

Final Examination na pala ngayon. Shocks !! Saturday pa kami nag gala ni Lest at nakapagpahinga din naman ako ng Sunday pero bakit parang till now dipa rin ako maka move on??? Sobrang fresh pa saakin yung mga nangyari. Walang oras, minuto o kahit segundo ang lumilipas na hindi iyon pumapasok sa isipan ko.

 Lalong lalo na yung ano - yung kiss. kyaaaaaaaaaaahhh!

"Hoy !! Nyareeee???" si Rima na may paghampas pa sa balikat ko. Ansaket naman! Sarap ng muni muni ko tapos biglang may hahampas na lang? watdapak ! 

"Nyareee ka dyan ! Ang sakit ah." maktol ko pa habang himas himas ang parte ng balikat kong hinampas nya. Inirapan ko pa sya at agad naman ay nagantihan nya ang pag irap na ginawa ko. Maldita talaga!

"Teka, okay kana pala.?" tanong ko sakanya at aninag ko sa itsura nya ang pagtataka. Hindi nya siguro magets kung ano ang ibig kong sabihin sa tanong na iyon. Ang tinutukoy ko ay yung parang biglaang pagkacold ng pakikitungo nya sakin simula nung masaktan si Adam ng dahil saakin. Hindi ko talaga gustong mangyari yun.

"Bakit kelan ba ko di naging okay??" tanong naman nya sakin. Hindi nga nya alam kung ano ang tinutukoy ko. Bahagya pa syang napatingin sa itaas para siguro alalahanin ang mga bagay na pupwedeng maging dahilan kaya ko naitanong iyon.

"Mula nung nalaman mo nangyari samin ni Adam." sagot ko na lang sa mahinang boses at dagli ay natigilan naman sya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nya ngunit agad naman iyong bumalik sa normal.

"Ah yun ba? Wala yun ! Nalungkot lang talaga ko para kay Adam, pero okay na. Kita ko namang okay na rin sya." sagot nya habang nakangiti ngunit parang pilit lang. May tinatago ba sya sakin? Hinayaan ko na lang.

 Nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok sa loob ng school.

Maya-maya.

"Hi girls, good morning ! " si Lester at bakas sa aura nya ang saya. Napakasigla ng boses nya na napakasarap naman ng dating saking tenga. Nang mapatingin ako sakanya ay agad ko ding naiiwas ang paningin ko ng makita ko ang lawak ng pagkakangiti nya sakin. Para saakin.

 Nakaramdam ako ng kaunting hiya.

"Goodmorning!"  Masayang tungon naman ni Rima sa pagbati ni Lester. Habang ako naman ay parang hindi mapakali kaya deretso lang ako sa paglalakad.

 "Hi Keish."  si Lester na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. Pagkarinig ko pa lang sa tinig nya na sambit ang pangalan ko ay agad namang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Kinakabahan ako.

"Ha-a-hi."  Naiilang kong sagot. Tama, naiilang talaga ko dala ng hiya. Oo lagi kong naaalala yung mga nangyari sa EK pero at kinikilig talaga ko, pero iba pala pag yung taong kinakakiligan ko dahil sa pagkakadampi ng labi nya sa labi ko ay nasa harapan ko na mismo? - para akong matutunaw sa hiya. Kung may salamin lang sana akong bitbit ay paniguradong tatambad sa paningin ko ang napakapula kong mukha.

Napatingin sya sa kamay ko. Napatingin din ako sa kamay ko. Nuh meron??

"I can help you with that !"  Sabay nguso sa mga libro kong dala, ayun naman pala yung libro ang tinitingnan hindi yung kamay..Aba teka !! Bakit?? Nanliligaw na ba sya?? Baka naman bumabawi lang dahil dun sa kiss?? Oh my God yung kiss...!!! Halos magpanic nanaman ako sa sariling naisip. Bumaling ako sa may banda ni Rima pero ng tingnan ko sya ay nasa ibang direksyon ang paningin nya.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon