#41 Bad!

115 3 0
                                    

SWEET'S POV

I smirked.

Nang makita kong parang ang saya-saya at ang sweet nilang dalawa. Sa sakit na pinaramdam ko sakanya hindi ko akalaing magagawa nya pang maging masaya. At sa piling pa ng isang babaeng kung tutuusin ay wala namang sinabi kung ang pag uusapan ay ganda!

I saw them enter the convinient store while I'm looking for my stuffs.

Hindi ko maiwasang mainis, maasar at magalit pero pinilit ko pa ring magtimpi.

Nag flashback nanaman sa utak ko ang mga kamalasang nangyari sakin after I got expelled from that school because of Lester.

Hindi ko akalaing magagawa nya yon sakin knowing how he was crazily in love with me back then. Ang pagmamahal nyang kulang na lang ay ikabaliw nya nang malamang palabas lang ang lahat. Ang pagmamahal nya para saakin na ikinabago ng buong pagkatao nya. Ang pagmamahal nya para sakin na sya lang ang nakaramdam dahil ang lahat para sakin ay plinano lang.

But I didn't expected that it would hurt me the day when he started avoiding me. He's acting like I don't exist when I'm infront of him. Seems like he never sees me na para bang isa lang akong hangin na nagdaraan sa tabi o sa harapan nya.

Then I just realized na minahal ko pala sya. Kahit na sa una ay pera lang ang habol ko sa kanya.

Sobrang talo ko sa planong yun.!

Nabuking na nga kami, nawala pa sya.!

Pasalamat pa rin ako nun dahil hindi nila ko pinakick out sa school. So I keep on taking a look at him. Gusto ko lagi ko syang nakikita. At natutuwa naman ako dahil sa dinami rami ng mga babaeng nagpapapansin sakanya ay ni isa wala man lang syang pinapansin.

He still loves me.

Until this girl came.

Si Keisha Reb Acosta.!

Sobrang naiirita ko kapag nakikita ko syang buntot ng buntot kay Lester. I really hate her. Ang lakas ng loob nyang e-stalk si Lester.

At mas lalo akong nang galaiti sa galit ng mapansin sya ni Lester hanggang sa maging friends sila. At unti unti ay nakikita ko ang dating Lester na nakilala ko.

Nagbabago na ulit sya.

And I can't accept na ang babaeng katulad lang ni Keisha ang magbabalik sa dating Lester na binago ko.

Hindi ko na iyon kinaya kaya ginawa ko ang lahat para layuan nya si Lester. Pero matigas ang bungo ng babae kaya hindi pa rin tumigil sa pagbuntot.

Hanggang isang araw nakakita ko ng posibleng kakampi na pwede kong kapitan para palayasin sa mundo ko ang babaeng yun.

With the help of Jamir, nagawa ko lahat ng gusto kong gawin sakanya. At buong akala ko nun ay matatapos na ang problema ko.

Pero mas malaking problema pa ang dumating.

Yung inakala kong makakapitan ko ay hinayaan lang akong malaglag. At yung taong inakala kong hinding hindi pa rin ako nakakalimutan at minamahal ako ay sya rin palang magpapahirap ng lubos sa damdamin ko.

Si Lester.

Sya ang gumawa ng paraan para maexpel ako sa school na pag-aari nila.

Ginawa nya yon para kay Keisha!

Damn them!

Sino ba ang babaeng iyon sa buhay nya.? Kung inaakala nilang hahayaan kong maging masaya sila habang ako ay nagdudusa well they're wrong.!

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon