KEISH'S POV
Please tama na...masakit na...tigilan nyo na yan.
Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagmakaawa, umiiyak habang nakikiusap na itigil na nila ang ginagawang pananakit sakin.
Lester di mo na ba talaga ko kailangan?? Sorry ah kung ang kulit kulit ko, sorry kung pinipilit ko ang sarili ko sayo, sorry kung lagi na lang ako umaasa na ipagtatanggol mo ko sakanila, sorry ah...
Alam kong hindi nya binitawan ang mga salitang iyon sa harap ko, pero parang ganun ang nararamdaman ko.
"Oi Keish gising! nananaginip ka!." dinig ko ang boses na yun. Iminulat ko ang mga mata ko.
Naramdaman kong may marahang yumuyugyog sa balikat ko.
Nananaginip daw ako? Siguro nga panaginip lang ang lahat. Pati yung masaklap na pangyayari sa school.
Nakakahilo, nananaginip nga ako.!
Pinunasan ko ang mukha ko, puno na pala ng luha iyon kaya basang basa na.
"A-ate anong nangyari? Di mo naman agad ako ginising eh!" Babangon na sana ko ngunit bigla akong nakaramdam ng bigat sa katawan.
Mabigat at masakit.
Naalala ko na, kaya pala hirap akong bumangon at nananakit ang buo kong katawan. Pero mas masakit ang dibdib ko, para kong bagay lang na pinaglaruan nung mga babaeng yun at ni Jamir.
Akala ko kasama sa panaginip ko yung ginawa nila Sweet at Jamir sakin. Totoo pala talagang nangyari yun.!
Wala man lang akong kalaban laban, at wala man lang akong karamay.
"Pano ko napunta dito? Sinong nagdala sakin?" tanong ko kay Ate Jam. Gustong gusto kong marinig ang isasagot nya. Umaasa akong ang pangalan ni Lester ang sasambitin nya.
"Yung isa mong schoolmate. Adam yata yung pangalan...Hinatid ka nya dito ng walang malay, puro itlog at harina pa nga ang katawan mo" sino naman si Adam? Wala akong matandaang may kakilala akong Adam ang pangalan. Hinayaan ko na lang dahil hindi ko talaga sya kilala.
Di ko sya kilala pero salamat na din at tinulungan nya ko. Kahit di kami magkakilala, at kahit hindi kami magkaibigan.
Nakaramdam nanaman ako ng lungkot, alam man lang ba nila ang nangyari sakin? do they still care for me? My bestfriends??
Nag-uumpisa nanamang mamuo ang mga luha sa mata ko. Bakit ba masyado akong emosyonal? Ang OA ko lang kasi nararamdaman ko yung mga bagay na hindi naman dapat, naiisip ko yung mga bagay na mas lalong hindi dapat lalo at patungkol sakanila.
"Teka alam na ba 'to ni Mama at Papa?" bigla kong naalala. "Ate please wag mo na sanang sabihin sakanila" pakiusap ko kay Ate Jam.
BINABASA MO ANG
Love Changed Me [EDITING]
General Fictionthe story shows how love affects a simple girl´s personality and so as how she changed the whole her after love left her heart broken into pieces. In short -- ganun katindi ang love !!