#20 New Friend

145 3 0
                                    

KEISH'S POV

Dahil sa nangyari nung nakaraang bonding namin ni Lester di nanaman ako mapalagay, feeling ko kasi magkaka-ilangan nanaman kami at baka mawalan nanaman sya ng time sakin.

Kasi kahit ako medyo nawiwirdohan sa pakiramdam ko.

Bago talaga ko matulog kagabi lagi kong dinadasal na sana wala ng magbago pa sa kung ano man ang meron samin ngayon, at kung may magbabago man sana yung makakapagpasaya sakin. May iba kasi kong nararamdaman, hindi ko lang matukoy kung ano yun at bakit biglang napapadalas ang awkwardness namin lalo na sa simpleng titigan.

 Pano yung makakapagpasaya sakanya? Selfish ko nanaman !

Papasok ako, naglalakad sa hallway at magkasabay kami ni Rima.

Ngayon lang ulit namin di nakasabay si Lester, sabi na nga ba busy nanaman sya.

Ang weird nya para yun lang di ko naman sinasadya eh bakit kailangang magbago agad, kainis ! Ganun ba sya kahindi komportable sakin pag napapalapit ang balat ko sakanya?

"Parang ang lalim naman ng iniisip mo??"

"Parang ang lalim naman ng iniisip mo????"

"HOY !"

"Ahy pusang kalabaw ka ! Ano ba naman Rima magkatabi lang tayo bakit kailangan pang sumigaw?? Tatalsik sayo puso ko sa gulat eh !" mabilis kong pagkakasalita ng dahil sa gulat.

"Pano po kasi abot nanaman sa Mars yang utak mo! di lang natin kasabay yung bestfriend mo wala ka nanaman sa sarili"

"Sino namang may sabi sayo na si Lester ang iniisip ko? Yung exam kaya ang inaalala ko, malapit na ang final exam kaya nag-aalala ko nuh!" pagsisinungaling ko. Siya pala yung paulit ulit na boses na naririnig ko kanina na hindi ko maintindihan yung sinasabi dahil sa kakaisip kay Lester.

"Mukha mo ! Ako pa niloko mo huh, parang makakalusot ka sakin!?" pinaandar nanaman yung lakas ng radar nya. Parang mas kilala nya pa ko kaysa sa pagkakakilala ko sa sarili ko kung magsalita.

"Haay ang tigas talaga ng bungo mo, OO nah - siya nah !!" sigaw ko pa. Makulet yan eh, at hindi titigil yan hanggat hindi ako umuOo sa sinasabi nya.

Kahit kelan talaga di nagpapatalo sakin tong si Rima sa mga diskusyon namin, ang tigas din ng bungo eh. Kasi naman nakakainis si Lester, ngayon na lang ulit sya pumalya sa pagsabay samin.

Lagi naman na kaming magkakasama after nung makipagsapakan sya kay Jamir tapos ngayon nagbago nanaman sya agad after nung awkward moment namin nung nakaraan.

Kung di ko lang sya ganun kakilala iisipin kong may sa bakla, parang nandidiri kapag napapalapit sa balat ko o di kaya naman nandidiri talaga? Ganun na ba kasagwa ang itsura ko para pandirihan nya??

Hindi naman siguro.. .

Malapit na sana kami ni Rima sa classroom nang biglang may makabangga sakin sa daan.

"Sorry Miss di ko sinasadya nagmamadali lang talaga ko" sabi nung lalaki na nakabangga ko. Halata nga sakanyang nagmamadali sya.

Nalaglag ang dala kong mga libro, di naman sya ganun kadami yun nga lang nagkalat ang mga papel na nakaipit sa books like yung mga past quizzes namin.

"Ah sige ok lang" sagot ko dahil halata namang hindi nya sinasadya. At mukhang mabait naman sya.

"Basta sorry talaga ah di ko sinasadya, wag kang maiinis sakin huh?" sabi nya habang tinutulungan pa kong magpulot nung mga naglaglagang papel.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon