#14 Relieved

143 5 0
                                    

KEISH'S POV

This is it !.

Absent ako kahapon pero ngayon papasok na ko. Kaya ko nanaman eh, konting pasa na lang pero keri na. Ayaw pa sana kong papasukin ni Ate Jam kasi sya lang naman ang nakakaalam ng tunay kong lagay.

  

Everytime kasi nandyan sina mama at papa nagkukunwari akong walang nararamdaman kaya di nila napansin at dina talaga nalaman ang tungkol sa masalimuot na pangyayaring yun.

  

Sa totoo lang kinakabahan ako sa pagpasok, natatakot at syempre nalulungkot. Natatakot at kinakabahan ako na baka pagpasok ko yung tatlong bruha agad ang sumalubong sakin kasama yung bruho nilang amo na si Jamir, na baka kung ano nanaman ang gawin nilang masama sakin.

  

Naduwag na yata talaga ko. Nalulungkot naman ako dahil ni konting pag-aalala wala man lang akong naramdaman galing sakanya -- Lester. Pero hindi ko pa rin naman sinasara yung isiping baka wala lang talaga syang alam. "Hey bess kamusta kana? Sure ka magaling kana at pumasok kana agad? Ano dina ba masakit katawan mo?"  Nakakalito man sa sobrang dami ng tanong, natutuwa pa rin ako dahil ramdam ko ang pag-aalala sakin ni Rima. Ang saya ko lalo ng maramdaman ko ang yakap ni nya sakin. Di ko na nasagot ang mga tanong nya at tumango na lang ako saka ko sya niyakap ng napakahigpit.

  

"Ah Keish gusto mo ba ako naman ang di makapasok?"  nagtaka naman ako kung bakit nya naitanong ang bagay na yun.

 

"Bakit?" tanong ko.

 

"Keish para kong mawawalan ng dugo sa higpit ng yakap mo eh !" at doon ko napagtantong sobrang higpit nga ng pagkakaakap ko sakanya.

Namiss ko kasi sya eh.

 

"Ahy sorry ah.!! Namiss lang talaga kita Promise!!"  malambing kong tugon. Nay dumadrama ang peg ko. Huhuhu.

"Sus !! Ang sweet huh !" Hinampas nya pa ko sa braso. Tingnan mo 'to masakit pa nga katawan ko, nakuha pang manghampas.

"Ahy sorry...!! Kasi naman kinikilig ako sa cheezzziness mo eh !! hehehe at teka ano yan huh??"  Tinuro ang magkabila kong mata.

"Don't tell me ganun mo talaga ko kamiss at maluha-luha kapa dyan?"  natatawa siya. Hay naku bess ko talaga minsan na nga lang ako magsenti pinagtatawanan pa. At totoo yun, halos maluha talaga ko ng makita ko sya. Feeling ko ang tagal naming di nagkita kaya ganun. 

"Bakit ano akala mo sakin? Alien? Syempre marunong din akong umiyak nuh!!" Pilit kong nilabanan ang pagsalakay ng lungkot.

"Oh easssy...kaw naman niloloko lang kita..Sobrang namiss din kita eh. Sorry nga pala wala ako sa tabi mo nung mangyari yan dahil kung ano-ano inaatupag ko. Tingin ko tuloy isa ko sa may kasalanan kung bakit nangyari sayo yun. Sorry talaga huh, simula ngayon dina kita iiwan.. ."  niyakap nya ulit ako. Pero pagkayakap nya sakin agad akong kumalas. Bahagya ko syang tinulak.

Love Changed Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon