First Meet
It's a cold night, thunder and lightnings are flashing like cameras in the sky. Heavy rain is really pouring hard like endless.
"Shocks! Wala na bang ilalakas ang ulan nato?" Reklamo ni Maine. Naghihintay kasi siya ng pedicab na maghahatid sa kanya sa bahay nila.
Pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin.
"Nako ha! Hindi nato maganda. Wala na ba talagang pedicab na dadating? Lumalalim na ang gabi." She rubbed her arms, medyo giniginaw na din kasi siya.
Pero nagulat siya nang may humagikhik sa likuran. Napalunok siya. May multo ba? Shocks, wala akong napansin kanina na may tao din pala dito eh.
She turned around and found someone looking at her. Hindi lang nakatingin, tumatawa pa.
I don't know if this guys is laughing at me or baliw lang talaga siya."B-baliw ka ba?" Utal niya.
"Hahahaha w-what? Me? Ako pa talaga tinatanong mo? Eh ikaw nga tong nagsasalitang mag isa." Patuloy pa din ito sa pagtawa.
Sinamaan niya ito ng tingin. Siraulo talaga ata. Tsk. At lumayo siya ng konti.
Pero bigla itong nagsalita. "Naghihintay ka rin ba ng pedicab?"
"Ako ba kinakaausap mo?"
"Hindi. Actually yung paper bag na dala mo ang tinatanong ko." He answered sarcastically.
She looked at him intently. Nang-iinis ba to?
He smiled. "Syempre, I'm talking to you. Eh, tayo lang naman dalawa dito na magkalapit."
May isang babae din naman na naghihintay pero nasa kabilang bench ito naka upo.
"Eh, malay ko ba. Baka may mga imaginary friends ka o di kaya mga kaluluwang ligaw ang mga kinakausap mo o di kaya baliw ka lang talaga."
"Ang harsh mo naman!"
"Hindi rin, weird ka kasi."
Natahimik sila.
He found her looking up and he felt the uneasiness. "Wag kang mag alala. May mga pedicab pang dadating."
She faced him. "Talaga ba? Eh kasi almost 10 mins na ako dito eh. Wala pa din."
"Yup! May dadating pa. Minsan talaga kailangan lang nating maghintay ng mas mahaba-haba... pero may darating talaga."
"Wow! Ang hugot mo naman. May pinagdadaanan ka auntie?"
"Wala naman! Just stating a fact." He smiled.
"Naks naman! Eh di ikaw na!"
He chuckled. "Bago ka lang ba dito sa subdivision?"
She nodded. "Uuhm, mga dalawang linggo pa lang kami dito."
"Ah, I see. Kaya pala parang balisa ka. Akala mo wala ng mga pedicab na dadating."
"Oo eh. Nakakabahala din kaya. Paano na lang kong wala talaga diba? Eh, dito ako makakatulog sa waiting shed."
Ngiti lang ang itinugon niya sa dalaga.
"Ikaw ba? Matagal kana dito?" She asked.
"Dito na ako lumaki!"
"Ah, i see."
Matapos non, tahimik na ulit sila.
Makalipas ang ilang minuto.
"Ayan na oh!" The guy excitedly said.
"Oo nga! May pedicab na naparating!" Pati din siya na excite.
"Sabi ko naman sayo eh, may dadating pa."
She looked at him. "Eh d ikaw na ang manghuhula."
"Hindi ah, nakasanayan ko na lang. Madalas ganitong oras na din kasi ako umuuwi eh kaya alam kung may sasakyan pa or wala na."
"Ah." Sabay tango niya sa binata.
Nang makarating na ang pedicab...
"Uy, Mang Jan. Ikaw pala yan!"
"Uy, Richard! Hindi kapa pala nakauwi?"
"Opo eh, medyo busy kaya ginabi."Napakamot ito ng ulo.
The Pedicab driver turned to her and asked her. "Ano po Block and Lot natin Ma'am?"
"Block 4, lot 26 po." She answered.
"Nako! Chard, malayo pa pala tong sa kanila. Halos mag ising dulo kayo dito sa subdivision."
"Mang Jan, unahin mo na lang si siya. Kanina pa po to naghihintay eh!"
Nagulat naman siya sa sinabi ng lalaki. "Ako? Talaga ba?"
"Oo. Sakay kana. Maghihintay na lang ulit ako dito. Marami pa namang dadating!"
Lumapit naman ang isang babae mula sa kabilang bench.
"Ikaw Ma'am, saan banda ka?" Mang Jan asked the other woman.
"Lot 25 po, manong."
"Ah, isang kanto lang ang pagitan. Sakay kana din." Sagot ng driver.
Sinulyapan ni Maine ang lalaking naiwan sa waiting shed. Parang na guilty siya.
Siya kasi dapat nakasakay dito. Kaso mas pinauna niya ako at itong babae na kasabay ko. Yan tuloy, maghihintay ulit siya. Kawawa naman.Hmmmmm. Huy Maine, mas na una ka namang dumating dito kaya okay na din na mas inuna kang ihahatid kahit kakilala niya ang driver.
Nang magtama ang mga mata niya, nagsalita ulit si Mai. "Salamat huh? Pagpalain ka ng Dios!"
He smiled. "God bless you too!"
Then the pedicab went off.
•••
Hello friends! 😊 ito ang pangalawa kong ginawa para sa lahat. Sana susuportahan niyo pa rin ako dito! Salamat po.
May pagka true to life po itong story na to! Hahaha pero this is not my experience huh. Hahahaha 😍
God bless us always! Ingat kayo. 👋
BINABASA MO ANG
Amor Inesperado (On Edit for 📖)
FanfictionWhen love strikes, it really strikes hard!