Chapter 2

7.3K 339 9
                                    


"Alam mo? Mabait yun."

"Po? Sino?"

"Yun! Si Richard!

"Halata nga po!" She smiled.

"Pati Pamilya non mababait."

"Ah. Ganon po ba?" Ang chika ni kuya ha!

"Oo. Hmm, nga pala hija, ngayon lang kita nakita dito. Bago lang ba kayo?"

"Ay oo po! Dalawang linggo pa lang po kami dito."

"Ah kaya pala! Ngayon lang kasi kita nakita dito. Halos pamilyar na kasi ng mga tao dito sa akin."

"Talaga po? Gaano na po kayo katagal dito?"

"Mag 25 years na ako dito namamasada."

"Ang tagal na po pala!"

"Oo eh! Kaya halos kilala ko na lahat dito!"

"Ah. Kaya po pala."

"Mang Jan nalang hija."

"Po?" Nagulat siya sa sinabi ng drayber.

"Mang Jan na lang itawag mo sa akin."

"Ah." She slightly laughed. "Sige po, m-mang Jan."

"Kaya ko kilala yun si Richard kasi suki na ako ng pamilya niya lalo na sa mga pamangkin niya. Ako naghahatid sa kanila araw-araw sa skwela."

"Wow naman. Maaasahan po talaga siguro kayong tao kaya may mga suki na kayo."

"Kailangan yon hija. Dapat mapagkakatiwalaan tayo ng tao!" Wow kuya! Wag mo ng ituloy baka maging hugotero kana.

"Diyan lang po sa may blue na gate kuya." Turo niya dito.

"Uy! Dito pala kayo! Kilala ko may ari nito."

"Ay, lolo ko po yun! Nasa States na po sila ngayon. Ito po kuya oh? Bayad ko. Salamat po!" She then hopped from the pedicab and quickly opened the gate. Malakas pa din kasi ang ulan kaya binilisan niya ang pagpasok ng bahay.

After doing her night rituals before going to bed... she laughed when she remembered what had happened to her earlier.

Infairness, kahit napagkamalan kong baliw yung lalaking yun gentleman pa rin siya and he's kinda cute.

Napakunot naman siya sa noo.
Uy! Maine, ano bang iniisip mo? Cute ka diyan. Hmp! di mo alam baka snatcher yun o di kaya drug dealer o di kaya rapist! Nako! Mapalad ka at nakaligtas ka.

She shook her head.

Baliw na ata ako! Hahaha kahit sino naman sigurong lalaki ganun din ang gagawin and isa pa ako kaya naka una na dumating doon sooo tama lang na ako dapat ang inuna ni Mang Jan!

Hmmmp! Mang Jan, ang pedicab driver na madaldal.

She laughed when she remembered how Mang Jan told her about that guy named 'Richard' earlier.

Lakas din ng trip ng pedicab driver na yun ah. Sabihan ba naman ako na mabait yun? Pake ko ba. Haaaay! Bakit ba parang naaliw ako sa mga pinag iisip ko ngayon. Makatulog na nga! Jusko naman! Wala na nga akong lovelife, ano ano pa ang mga iniisip ko.

•••

How's the first four update so far guys? Hehe salamat sa supporta! 😘 i have to update this one. Alam niyo naman, tomorrow! Saturday, no update day!

Thank God its friday! 😍
God bless us all.

Amor Inesperado (On Edit for 📖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon