Chapter 62

6.3K 311 18
                                    


"Hello?"

"Hello Coy? Asan kaba? Jusko! Kanina pa ako dial ng dial sa number mo di ka sumasagot!!"

"Wait, wait. Richard? Uuhm. Faulkerson Jr? Ikaw ba to?"

"Aaaay? Oo. Nga pala! Hiniram ko tong phone ni Maine para matawagan ka."

"Huh? Bakit? Anong sadya mo sa akin?"

"Siraulo ka! May pa paalam paalam ka pang nagagawa na ligawan si Ching pero di mo pa pala ginagawa?"

"Huh? A-ano? Uhm. B-bakit mo ba nasasabi yan? Teka? Yan ba sadya mo? Para murahin ako? Si-sir...-"

"Dami mong keme! Send ko yung address dito sa bahay ng tita ko. Puntahan mo! Ngayon, agad,agad! NOW NA!"

Natawa si Macoy sa kabilang linya...

"Po? Wait? Papupuntahin niyo ako diyaan? Bakit? Anong nangyari? Kasal niyo na po ni Maine? Sandali, di ko naalala na inimbita niyo ako sa kas...-"

"Stop it! Pag ikaw di pa makarating dito ng 30mins dudukotin ko yang mga mata mo! Dali na, bababa ko na to para ma text ko na ang address dito.  Basta ha? Pag nasa labas kana text agad. Susunduin ka namin ni Maine."

Kahit nalilito pa si Macoy sa mga pinagsasabi ni Richard wala pa rin siyang nagawa kundi ang umo.o sa sinabi nito. Ikaw kaya tawagan niya mapapa hindi kapa ba? Faulkerson na Faulkerson na kaya yun.

Matapos itext ni Richard ang address, he returned the phone to Maine.

"Love? Tama ba tong ginagawa natin? Di kaya magagalit si Ching sa atin? Nangingi.alam na tayo eh." Maine asked him.

"Love, kesa naman yang mukhang pusit na yan ang sasagutin niya! Oh goodness! Di ko nga kayang titigan siya ng matagal eh. Naalibabaran ako sa aura pa lang niya how much more sa mukha. Diba?"

Maine laughed as she put her hand on Richard's left arm.

"Uy, grabi ka love! Ang harsh mo sa tao. Hahaha pero sabagay, tama ka nga naman! Look at him oh? Feel at home na feel at home."

"Yun na nga! Akala kung sinong gwapo! Seees  41M ang lamang ko sa paligo niya."

Mas lalong tumawa si Maine.

"Hahahahahaha, huy love! Hahaha grabi ka! Haha yung confindence level mo love oh? Grabi! Pumapayagpag na sa pick ng Mt. Everest. Nakatirik na doon!"

"Bastos! Hahahaha uy, bakit? Di kaba na ga gwapohan sa akin?" Sabay tingin sa nobya.

"Haaa? Ano?"

"Wow! Bingibingihan lang auntie? Hahaahaha"

"Uy, syempre noh! Sasagutin ba naman kita kong di ka gwapo? Ikaw talaga.." She pinched his cheeks.

"Hmmmm. Yan! Akala ko aasarain mo na naman ako. Per mabalik tayo sa kanya!" Sabay nguso sa kasama ni Ching.

Nagtawanan ulit silang dalawa sa mga napupuna nila kay Bryan. Nagtataka naman ang pamilya kung bakit ganun nalang kalakas ang tawanan ng dalawa habang nasa gilid, distansya sa kasama ni Ching.

45mins. After...

Binuksan ni Richard ang gate para makapasok si Macoy. Manghang mahanga naman ang binata sa mga natatanaw niya. Mula sa bahay hanggang sa landscape ng buong lugar.

"Huy, Arth Maco Eng!"

"Aaay, M-Maine? Y-yes? Ano nga ulit sabi mo? Aaaay pero teka, bakit niyo ba ako pinapunta dito?"

"Gago ka! Sabi mo liligawan mo si Ching? Bakit wala ka dito ngayon? Bakit iba ang ipinaharap niya sa pamilya namin!" Diritsang sabi ni Richard.

"Oo nga! Bakit ang bagal mo? Ang torpe torpe mo naman! Parehas kayo nitong Richard ko." Dagdag ni Maine.

Amor Inesperado (On Edit for 📖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon