Chapter 64

6K 321 18
                                    


Naging mas lalong pinatibay ng panahon ang pagsasama ng dalawa. Its been 6 months mula nung araw na naging sila. Sa loob ng kalahating taon na yun ay marami na ding nangyari sa kanila. Nalampasan naman nila ang adjusting period at napag uusapan ang mga bagay na minsan ay di napagkakaintindihan.

Umagang umaga pa lang ay nangungulit na si Richard kay Maine kung anong gagawin nila sa araw na yun. He wants to spend the whole day with her dahil aalis siya patungog Singapore sa mga susunod na araw.

"Richard naman eh, ang aga mo! Balik kana lang maya mga 9am. Jusko, 5:25am pa oh?" Reklamo ni Maine nang pinagbuksan niya si Richard ng pinto.

"Love naman eh, aalis na ako bukas. Mga apat na araw din akong mawawala. Gusto ko lang naman i.spend ang araw na to na kasama ka."

"Grabi, wala pa ngang araw oh?"

"Yun na nga! Plano ko nga dito na matulog kagabi eh. Kaso nakakahiya kina Tita at Tito. Nga pala nakaalis na ba sila? Busy'ng busy mga magulang mo ah."

"Buti at nahiya ka pa. Haaay, oo. Naka alis na sila. 2AM ata sila bumyahe para insaktong 7AM nandoon na sila sa pupuntahan nila. Ayaw ng mga yun ng bumyahi ng mainit eh kaya inagahan nila."

"Aaaah, okay. May dala nga pala ako. Pandesal!"

Natawa si Maine sa pagmumukha ng boyfriend niya.

Ang cute niya! Para siyang batang ngayon lang nakabili ng pagkaing ganyan.

"Love? Di mo ba ako papapasukin?"

"Aaay, sorry sorry! Pasok ka." Anyaya niya.

"Si Dean?"

"Ayun, tulog pa!"

"Aaay oo nga! Hehehehe"

"Tatawa tawa ka diyan. Antok na antok pa ako." Reklamo ulit ni Maine.

"Love naman eeih. Ngayon lang naman to. Pagbigyan mo na ako." He pouted.

She sighed.

"Haaaay, may magagawa pa ba ako?" She smirked.

Tinawanan lang siya ni Richard.

"Halika, doon tayo sa kusina. Ipaghahanda kita ng omelette masarap yun iparehas sa pandesal mo. Tsaka, mag kape na din tayo! Para mawala na din tong antok ko."

He nodded excitedly. Alam niya na ang mga ganitong ugali na pinapakita ni Maine. Kahit inis na inis na ito dahil sa kakulitan niya ay hindi pa din niya ito magawang tanggihan.

Nang nasa kusina na sila, umupo siya sa may kitchen counter habang minagmamasdan si Maine na ngayon ay abala sa paghahanda ng iluluto niya para kay Richard.

Mag asawa feels. Someday soon! Mangyayari ulit ito pero ang nakaiba lang... Iba na ang dinadala mong apelyido. Apelyido ko na.

Napangiti siya sa mga pinag iisip niya. Nasagi na din kasi sa isip niya ang mga bagay na ganito, ang pag aasawa. Maraming beses na din. Na iimagine na niya na darating ang panahon na maghihintay na siya kay Maine sa harap ng simbahan at sabay silang haharap at mangangako sa Panginoon at sa kanilang pamilya na magmamahalan sila habang buhay.

You're my end game Maine, You are.

"Hey love? Okay ka lang?" Tanong ni Maine habang nagbabatil ng itlog. She is wearing a polka dots apron.

"Ha? Uhm. Yeah. Okay lang."

"Mukha nga, pangiti ngiti ka kasi habang malalim iniisip mo eh."

Tanungin ko kaya noh? Ma try nga...

"love, may tanong ako."

"Sige ano yun?" Nakatalikod siya sa kanya habang hinahanda ang kawali.

"Naisip mo na ba kung kailan tayo ikakasal?"

About a second, napahiyaw si Maine.

"Araaay!"

Agad namang napatayo at tarantang lumapit si Richard sa kanya

"Bakit? Anong nangyari?" He held her hand.

"Di ko... Uhm, kasi namalayan na mainit na pala ang kawali hi...hinawakan ko." Sagot ni Maine sa kanya. Hindi ito makatingin sa mukha niya.

"Haaay, mag ingat ka kasi love. Ayan tuloy! Halika dito, hugasan natin."

"Ikaw kasi! Nang gugulat ka sa mga tanong mo. Nakakawala sa sarili. Wag mo na akong tanungin ng ganon!" She exclaimed na may halong inis.

He froze mentally.

Ano daw? Hindi ko na siya tatanungin ng ganon? B-bakit? Anong masama sa tanong ko? Hindi naman ako nagmamadaling sagutin niya yun ah. Pero kung maka react siya para bang takot na takot siya na parang galit dahil sa tinanong ko siya ng ganon. Naninisi pa siya. Nag aalinlangan paba siya sa akin? Hindi pa ba ako sapat? Sandali, hindi pa ba niya na iimagine ang sarili niya na ikasal sa akin? Uuuugh. Am I not her end game? Hindi ba pareho ang nararamdaman namin? Kung ganoon, anong silbi ng relasyon nato, kung hindi pa pala ako?

"Richard? Love? Huy! Kanina mo pa hinuhugasan kamay ko"

"Aaay, sorry love. Uhm, I guess, inaantok kapa talaga. Sinisi mo pa ako sa pagkapaso mo. Tsk ilalagay ko lang to sa ref. Umakyat kana at matulog ulit. Uuwi na lang muna ako. Babalik ako mamayang hapon." Wika niya sabay ngiti.

He acted like he is fine para di mapansin ni Maine na disappointed siya. Na parang nabuhusan siya ng mainit na kumukulong tubig. He quietly put all the ingredients inside the ref and he took his car key.

"Sorry nga pala sa disturbo love. Promise di nato mauulit. Sorry din at tinanong kita ng ganon. Promise di na talaga mauulit. Tsk. I have to go now. I love you."

Then he left. Hindi man lang niya hinintay ang response nito.

Ikinagulat naman ni Maine iyon dahil parang biglang lumamig ang pakikitungo ni Richard sa kanya.

Anyare dun? Clingy pa yun kanina ah? Bakit biglang lumamig?

•••
Hala! Paano na? Tsk tsk

Nga pala 2 updates ngayon. Holiday eh. Hahaha bukas balik skwela na naman. Lagare ulit. Pero kakayanin. Para sa pyutyur! 😂

May bago na naman akong sinusulat ngayon. Coming soon  "CONFESSION OF A FAN" sana supportahan niyo pa din po 😊

Promoting again:

https://losingweightnurse.sendlane.com/view/losingweightnurse

Salamat po. God bless.

Thank you for making this on top. Rank #3 po tayo 😍😍 salamat po. Love you all. God bless us.
Ingat!

Amor Inesperado (On Edit for 📖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon