Si Maine ay isa sa mga pinaka busy na tao sa buong mundo. Paper works here and there... At sa sobrang busy niya eh nakalimutan na niyang kumain mag hapon...Siya ang tao'ng hindi gagalaw mula sa kanyang kina uupo.an hanggat hindi niya natatapos ang kanyang mga gawain.
Sa wakas! Natapos rin. Makakapagpahinga na ako nito.
She looked at her watch.
"My God! 6:05pm na pala. Reyland? Bakit di mo ako sinabihan?"
"Anong hindi? Eh pag magsasalita ako dito pinapatahimik mo ako dahil na iistorbo kita."
"Sana kahit sinabihan mo na lang ako na 'kain ka muna Maine' wala!?"
"Alam mo hindi ko alam paano ka natanggap dito. Baliw ka eh."
"Gago! Wag ka na nga. Aalis na ako!"
"Huy huy huy! Diba sabi ng jowa mo susunduin ka niya dito?"
My Goodness! Oo nga noh? Susundiin pala ako ng jowa kong hilaw.
Umupo siya ulit at tinignan ang relo niya.
"Tagal niya huh?"
"Wow ha? Reklamador? Busy lang siguro yung tao."
"Siguro nga."
Oh wait! Bakit ko nga ba siya hinihintay? Alam mo Maine binibilog ka nung tao eh. Wag ka nga. Umalis kana at wag mo na siyang hintayin.
She stood up.
"Oh? Saan ka pupunta?"
"Aalis na."
"Andyan na siya?"
"Ewan ko! Bye Rey."
At tuluyan na siyang umalis.
After almost an hour of travel nasa terminal na siya ng sakayan ng pedicab.
Kinting kunti na lang Maine. Makakapahinga ka na. This week will be lighter for you for sure. Basta ba walang magpapakitang demonyo sayo. Paaaayts na.
Then a black shiny car block her front view.
Wow! Sino kaya may-ari nito? Yayamanin. Pero ang bastos huh? Sa harap ko pa talaga magpaparking.
Sinisilip ni Maine ng dahan dahan kung sino ang nasa loob.
Di kaya si... si...
She slowly stepped backward but its too late. Dahan dahang bumukas ang bintana ng sasakyan. At ayon hindi nga siya nagkakamali.
"Sakay!"
"A-ako?"
"Sino pa ba?"
"Baka kasi ma hopia na naman ako!" She slowly said.
"Anong sabi mo?
"Wala!" Padabog siyang pumasok sa loob ng sasakyan.
"Saan nga yung sa inyo?"
BINABASA MO ANG
Amor Inesperado (On Edit for 📖)
FanfictionWhen love strikes, it really strikes hard!