Note:
(*)Maine's thoughts
(-)Richard's thoughts--------------------------------------------
"So ano yun? Care to explain?" Pambungad na tanong ni Maine nang makapasok na sila sa office ni Richard.
* wow? Ikinaganda mo na yun? Hahaha bakit naman siya mag i.explaine sayo? Girlfriend ka niya auntie? For real? May kakapalan din tong mukha mo eh noh? *
"Huh? Si... Si... Uuhm, you mean si Janna?"
- Oh? Bakit ka kinakabahan Richard? Ipaliwanag mo. Wag kang lolokoloko. Hmmm pero teka, kailangan ko ba talaga ipaliwanag? Hindi naman ako tunay na boypren ah.-
"Hindi, itong hawak ko na ballpen. Anong nangyari sa inyo nitong hawak ko na ballpen? Kung makapulupot kasi siya mas dikit pa sa linta." She said sarcastically.
* push mo yan Maine! Para sa ekonomiya ng Bansang Pilipinas *
"Eh, ikaw? Bakit ka muna nandito? Diba may tatapusin kapa?"
- pak! Plangak! Change topic brod.-
"Huh? Uuuh. Eeeh. Kasi..."
"Hindi tuloy kita nasundo man lang sa labas pagkapasok mo. Sorry, may meeting kasi ako."
"Uy, okay lang noh! Nag enjoy naman akong kasama sina Sam at Sherybel."
"Mukha nga, masaya ka kasi kanina paglabas ko kaso medyo nawala ang mga ngiti sa iyong mga mata nung nakita mo ako."
- may patalinghagang salita kapang nalalaman huh? Push mu yan Richard. Hahaha -
"Uy, di naman. Grabi ka! Ang lalim naman nung pagkasabi mo. Hahaha syempre, sino ba ang ngingiti pag nakita mo boyprend mo na may humahawak na iba."
* Wow! Galing! Straight to the point ka te huh? Oh sige, ipaglaban mo yan! *
"Galit ka dahil dun?"
"Huh? Galit? Di naman. Bakit naman ako magagalit? Haha di naman ako girlfriend mo. Wala ako sa lugar para magalit. You can flirt with others. Hehe joke lang yung sinabi ko. Hehehe"
* ouch! Oh diba? Nasaktan ka sa sarili mong dada. *
- wala nga kasi siyang pake sayo Richard! Wag kang umasa. Nahopia ka brod. Hopia.-
"Ha? Aw. Okay. Okay. Nga pala? Napadalaw ka? Tsk. Kung alam ko lang na dadating ka? Nagpa red carpet sana ako." He chuckled.
"Yun na nga, nakakainis! Wala akong grand entrance kanina. Haha sa susunod, ipapaalam ko sayo. Hehehehe para i.ready mo agad ang carpet!"
"Ang kulit mo. Hahaha pero yun na nga... Bakit mo ako binisita dito Maine?"
"Uuhm, kasi kanina. I just want to say sorry."