Chapter 65

6.1K 293 23
                                    

Kahit gaano pa tayo ka mature mag isip, kahit gaano pa tayo katanda... dumadating talaga ang mga panahon na pinangungunahan natin ang ating damdamin at pag iisip. Gaya nang nangyari kay Richard sa umagang iyon. He should have asked her why she didn't want to talk about it. Pero hindi niya ginawa yun.

Its almost 1pm in the afternoon. Natapos na si Maine sa lahat ng gawain niya sa araw na yun, minadali niya dahil sabi nga ni Richard babalik siya pagkahapon. Nakaligo na rin siya, nananghali.an na din pero very light lang ang kanyang kinain dahil alam niyang pabubusugin na naman siya ni Richard kung saan man sila gagala. Nasa sala lang siya at nagbabasa ng bagong issue na ni release nila sa AH magazine sa buwan na yun.

1pm na ah. Bakit kaya wala pa yung isa? Sabi niya babalik siya eh. Tssssk

She checked her phone again baka nag message siya pero di lang niya napansin. Pero wala eh. Wala kahit isang minsahe mula kay Richard.

Aaaah, baka nag impake lang yun. Busy din siguro siya.

Ibinaling nalang niya ulit ang kanyag sarili sa pagbabasa hanggang dinalaw siya ng antok. Nakatulog siya sa couch sa kakahintay.








5pm.

Shooooocks!!! Alas singko na!!! Shoot! Wait.

Agad siyang napatayo nang makita niya ang orasan. Agad niyang hinanap ang phone niya na nahigaan lang pala niya mula sa pagkakatulog.

Shit shit! Bakit ba kasi naka sile...-

Nataranta siya. Alam niya sa mga ganitong sitwasyon na binubumhana na siya ng mga text messages at misscalls ni Richard pero sa hapong iyon ni isang text WALA. She checked her call logs baka may na miss siyang call at hindi umappear sa notification niya. Pero imposibleng hindi naman yun diba? WALA. Last call registered was 9am pa, galing sa Nanay niya.

Aaay wala? Ni isa? Teka... Imposible namang hanggang ngayon hindi pa din siya tapos sa kaka ayos ng gamit niya? Ano to? Nadaganan siya sa luggage niya?

She dialled his digits. Nag riring naman pero di sinasagot. She sent him messages pero wala ding reply.

San na ba yun? Sabi niya babalik siya dito? Pero wala... Aaay, wait, tawagan ko si Rizza.

She dialled her number. After 3 rings...

"Hello ate Maine?"

"Hi Riz.. Just wanna ask if nasa bahay ka ng kuya mo? I mean nag visit ba kayo ni baby Rave doon?"

Syempre di siya nagpahalata na tumawag lang siya para alamin kung saan ang kuya niya o di kaya magkasama sila.

"Ate, kanina galing kami doon. Magkasama kami ni kuya ngayon. Dito sa mall. He treated the kids kasi eh. Kasama din namin ibang pamangkins namin. I asked kuya kung bakit wala ka, sabi niya busy ka daw?"

Ha??? Sabi niya babalikan niya ako dito pero bakit di ako kasama sa lakad niya? Aaay wait. Ano bang nangyayari?

Amor Inesperado (On Edit for 📖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon