"Tara na doon!" Richard said.
"Wait lang... Wait lang po, kinakabahan ako eh. Parang nangangatog na po yung mga paa ko.
W-wag ko na lang kaya itutuloy? Tsaka ano... Di ko naman po alam kung anong sasabihin ko sa harap ng pamilya mo." Wika ni Macoy sabay kamot sa ulo.Napabuntong hininga si Maine bago siya nagsalita...
"Okay, kumalma ka muna. Uhm,Sige ganito gawin natin.. Ipapakilala ka namin ni Richard na kaibigan at kasamahan ko sa trabaho. Kumuha ka lang ng tyempo para sabihin ang pakay mo. Dapat maunahan mo yung ulol na yun."
"Okay? S-sige. Pero kailangan ba talaga ngayon? I mean may bukas pa naman or next week?"
"Sasapakin na talaga kita! Andito na tayo e. Wag ka ng umatras." Dagdag ni Maine.
"Tsaka don't you worry Coy! Andito kami ni Maine. Tutulongan ka namin!"
Naglakad silang tatlo patungo sa hardin.
"Guys, may ininvite kami ni Maine ngayon." Richard interrupted them.
Napatingin naman silang lahat sa kanila. Slowly, they gave the visitor a welcome smile na nagbigay ng kunting luwang sa naninikip na damdamin ni Macoy sa mga panahong iyon.
Napatayo naman si Ching nang makita niya ito.
"M-macoy?"
"Uhm, guys.. I hope you don't mind. Ininvite namin siya ni Maine dito. Diba love?" Sabay kindat nito.
"Uhm, y-yeah. Uhm. Siya po pala si Arth Maco Eng. Kasamahan po namin ni Ching sa AH po."
Siniko naman siya ni Richard sabay bulong...
"Para kang timang, magsalita ka diyan!""Aaay, h-hi po sa lahat. M-macoy na lang po. Y-yan na lang po itawag niyo sa akin." He smiled shyly.
"Uy, welcome iho. Halika ka dito. Ching, paki handaan mo naman to ng maiinum si Macoy."
Kahit gulat pa si Ching agad niyang sinunod ang sabi ng kanyang ina.
That was one of the longest night for Maine and Richard so far and may be a hell moment for Macoy. But true to what they said 'andito kami, tutulongan ka namin!' Naging backup partners ni Macoy ang dalawa. Though may mga sablay moments talaga dahil hindi din kasi nagpapatinag ang dakilang 'pusit' na si Bryan. Gaya nung...
"Ma, water please." Magpapa abot sana ng tubig si Ching. Agad na mang tumayo ang dalawa ng sabay para pagsilbihan ang dalaga. Nag uunahan sila sa pagkuha. Syempre pa impress but it ended up spilling the water on Tito Rey's pants, Ching's father dahil aksidenting natabig ang pitcher.
Richard and Maine glared at him. And give him a motion na umupo ulit.
"Ma, paki abot ng adobong manok!" Nag uunahan na naman ulit ang dalawa na i.abot ito.
"Hep hep! Wait, ako na, ako na. Baka matapon na naman to! Mag aamoy ulam pa ako!" Her dad finally said when he noticed na pati din si Macoy nakikipag unahan din kay Bryan. Who would not be? Eh, iba talaga ang father instincts. Kaya kailangan na niyang pumagitna at alamin na din ang totoong pakay ng dalawa.
Habang si Richard naman at si Maine ang nagsisipaan sa ilalim ng lamesa at nagtitinginan. Pareho silang nag aaalala sa manok nila pero alam nila pareho na lamang ng isang baitang ito.
Habang patuloy silang kumakain, Ching's father broke the silence and tension between the two...
"Sooo, Bryan and Macoy? Mukhang may sasabihin kayo sa amin. Ready na kaming makinig."
Nagtinginan naman ang kamag anak nila sa kanya pati ang dalawang binata.
And the search for Mr. Right began. Hosted by Tito Rey, Questions by Tito Rey and the judges??? Ang buong angkan!
BINABASA MO ANG
Amor Inesperado (On Edit for 📖)
FanfictionWhen love strikes, it really strikes hard!