Hindi mapakali si Maine sa labas ng Emergency room. Ilang beses na niyang sinubok na pumasok pero pinapalabas siya ng Doctor.
"Ate, pwede bang umupo ka muna? Wala namang magagawa yang palakad lakad mong yan eh."
Tinigna niya lang ang kapatid niya na parang wala sa sarili. Hindi niya talaga alam kung anong gagawin niya sa mga oras na yun. Gusto na niyang magmura, mag scandalo sa loob para lang malapitan si Richard pero mukhang hindi talaga tatalab ang mga acting skills 101 niya sa mga panahong iyon.
"Ate Maine!"
Lumingon siya at tinignana ang babae na tumawag sa kanya.
"Riz, Ching!"
Hindi na niya napigilan ang sarili niya nang makita ang kapatid at pinsan ni Richard. Humagulhol siya ng iyak.
"Riz, Riz its my fault. Ako ang dahilan kaya nagkaganito kuya mo. Kuya niyo." Halos lumuhod na siya sa harapan ng dalawang babae.
Inakay ng dalawa si Maine.
"Uy ate, ate ano ba! Wag kang umiyak, uy. H-hindi mo kasalanan. Please ate Maine. Tumayo ka."
Humagulhul parin siya ng iyak habang ang dalawa ay lumuhod na din para yakapin siya.
"Kung hindi ako nag tampo, kung hindi ako nagalit di sana wala siya diyan sa lintik na Emergency room na yan!" Pasigaw niyang sabi as she pointed towards the door.
Sa kalagitnaan ng pag iiyakan nila bumukas ang pinto ng ER at lumabas ang doctor.
Napatayo silang tatlo pati na din si Dean na naka upo sa gilid.
"Doc? Kamusta po? Ano na?" Maine immediately asked him.
"Sino ba ang pwede kong makausap dito?" The doctor said as he looked at them.
"Riz, ikaw na."
"A-ako? Ayaw ko ate. Ikaw na lang. Takot ako eh. Ayaw kong malaman kung ano na ang kondisyon ni kuya baka ako na naman ang himatayin. Nako! Dobleng kargo na ito. Ikaw na ate. Si Dad, papunta pa lang dito. Nasa probinsya kasi sila nina tita Sally may inasikaso."
"Ikaw Ching?" Tinignan niya ito.
Umiling ito. Hindi din daw siya kaausap ng doctor.
Ayaw naman niyang pangunahan ang dalawa kahit ang pagtingin ng mga ito ay parte na siya ng pamilya pero mukhang siya talaga ang kakausap ng doctor eh. No choice!
"A-ako po doc." She said.
"Okay, sumunod ka na lang sa akin sa office."
Tumango lang siya.
"Riz, Dean, Ching... Kayo na muna bahala dito."
"So doc? Ano ba talaga ang nangyari? Bakit po siya biglang nag collapse? Okay lang po ba siya? Doc."
"Nakausap ko na siya kanina nung nagkamalay na siya sa loob. He said, biglang sumakit ang dibdib niya na para bang pinipiga hanggang sa yun nag collapse na siya bigla."
Maiging nakinig si Maine sa mga eksplenasyon ng doctor sa kondisyon ni Richard. He also told her about the things that he need to do. Bawal mapagod, ma stress at dapat ang mga gamot inumin sa tamang oras. Mga simpleng paalala mula sa doctor.
"Salamat po doc. Yes, tatandaan ko lahat ng mga binilin niyo sa akin."
"Good, good. Uhm, anyway are you his sister?"
"Oh no, no. I am not doc. Ano... Uhm, I am his ano.. F-fiancée po." She shyly said.
Oh diba? Ang kapal ng mukha ko? Hahaha well, hayaan niyo na. Di naman niya to malalaman.
BINABASA MO ANG
Amor Inesperado (On Edit for 📖)
FanfictionWhen love strikes, it really strikes hard!