Para bang lumulutang si Maine habang naglalakad siya papuntang office ng kanyang boss. Hindi pa rin nag sisink in sa kanya ang mga nangyari.Am I dreaming? Pakisapak nga ako??????!!!! Jusko naman. Jusko naman talaga.
Nang makapasok siya sa loob ng office...
Isang magiliw na pagmumukha ang bumungad sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabi agad Maine?" Tanong ni Bomela sa kanya.
"Na ano po Ma'am?" She asked innocently.
"Na kalaguyo mo si Richard Faulkerson" She said, giggling.
"Po?" Gulat na tanong ni Maine sa kanya.
"Alam kong narinig mo yun, hindi ko na dapat yun ulitin!"
"Uuuhhh, uuuhm kasi po... Ano.. Uh, we keep it in private po! Napag... Napag..."
Utak gumana ka!
"Napag usapan po kasi namin na hindi po namin isasali ang personal na buhay namin sa trabaho. Kaya yun.."
Ang sabaw ng alibi mo Maine. Promise.
"Look Maine, pumunta siya dito kanina to give me the printed answers of the questions that you asked on the online interview task that I gave you. Diba? Ang effort niya? Siya pa talaga nag abot nito sa akin personally kasi nga daw casual lang yung pagkatanong mo sa kanya kasi through your personal accounts lang daw kayo nagka usap dahil sa ka busyhan din niya. But here oh? He gave it to me. Plastada na. Nasagutan ang mga tanong lahat and a Million thanks to you! Hindi mo alam kung paano mo ako napasaya ngayon Mendoza! Hindi ako mag aatubiling ilagay ang pangalan mo sa mga naka line up na i.propromote next month. Maybe mamaya ma fa.file ko na."
Hindi maikubli ang kasiyahan ng boss niya nang sabihin iyon lahat kay Maine. Gulat na gulat siya nang dumating ang hindi inaasahang bisita nila sa umagang iyon. She was planning to talked with Maine regarding sa mga pinagawa niyang trabaho nito. Pero sa hindi inaasahang panahon at pagkakataon ang mismong tao na kanilang pag uusapan ang bumungad sa kanyang harapan at maraming rebelasyon ang mga ibinunyag ng lalaking iyon sa kanya tungkol kay Maine at sa kanilang dalawa.
ISANG MALAKING #PAANO???????
Speechless si Maine sa mga sinabi ni Bomela sa kanya. Hindi niya halos mabuka ang kanyang bibig sa sinabi nito.
"Huy Maine, say something!"
"Ho? Uuuhm." Kinagat niya ang kanyang namamanhid na ibabang labi. Hindi niya talaga alam kung ano ang mga nangyayari sa paligid.
Dumating siya na para bang lugmok ang mundo niya.... pero ngayon? Hindi niya alam kong anong nasa isip niya. Nagka halo halo na ang kanyang emosyon. Oo, masaya siya dahil naaamoy na niya ang promotion pero bakit parang may halong kaba at takot siya pag naririnig niya ang pangalang 'Richard Faulkerson'??? Naalala niya tuloy ang nagyari bago siya pinatawag ni Bomela para kausapin tungkol sa bagay na yon...
"Chaaaaaard????????!!!"
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Richard.
Si Richard na nakasama ko isang gabi sa sakayan ng pedicab? Si Richard na hinopia ako sa taxi? Si Richard na nakaaway ko sa jeepney ay si RICHARD FAULKERSON JR. na nagmamay ari ng RF Company? Ang taong ininterview ko gamit ang mga personal accounts namin? at ang taong may mga echuserang pamilya na sinagot ko na girlfriend niya ako????!!!!! AY IISA????????? WOOOOOAAAAAAAAAHHHHHHT?
"Hey? Babe? Aren't you not happy na andito ako ngayob? You look so shocked!" maloko niyang sabi.
Nagsitinginan naman ang mga tao na nasa paligid nila.
Wow Maine! Oh, center of attraction kana. Kayo! Nang dahil sa kanya. Isn't that cool?
"Aren't you gonna introduce me to your co-workers?" Dagdag niyang sabi sabay pakita ng pagkatamis tamis na ngiti.
"Haaaa?" Yun lang ang nasabi ni Maine.
"Nako! Nagulat pala talaga kita. Surprise!!!!"
He murmured something that only the two of them can hear.
"Magsalita ka! Wag mo akong pahiyain."
Gago! Sino bang nagsabi na pagtuonan niya ako ng pansin? Siya lang naman ang nagpapahiya sa sarili niya ah.
"Talk Mendoza." He said furiously.
Nagulantang si Maine sa sinabi ng tao na nasa harapan niya.
"Ha? Uuuhm..."
"Say something Mendoza!" He looked at her in the eyes intently.
She swallowed the remaining candy from her mouth.
"Uhm, g-guys.. I... I guess ano.. Uuhm, kilala niyo na siya. Ri-Richard Faulk-Faulkerson!" Dahan dahan siyang gumilid para makita siya ng mga kasamahan niya.
They nodded with amusement.
"Yup, sino ba ang hindi nakakakilala sa lalaking iyan!" Isa sa mga matandang impleyado na kasamahan ni Maine ang sumabat.
Richard smiled to them. Ngiting hindi inaakala na pinaglololoko lang niya ang mga nasa harap niya.
Maine smiled too.
"Kulang pa!" He murmured.
"Ano...uuuhm, boyff-"
Hindi ko kaya! Hindi ko talaga kayang sabihin.
"Sasabihin mo or magbabalotbalot kana? Ikaw nag simula nito eh. Ikaw din dapat tumapos." He whispered as if he is whispering sweet nothings. Halos magkadikit na ang kanyang mga labi sa tenga ni Maine.
"Fine. Fine, sasabihin ko na." She is still sweating like hell.
She gave a heavy sighed.
"Si Richard Faulkerson po. Boypren ko po!"
She closed her eyes as redness enveloped her cheeks.
Wala na. Time of death 9:46am. Maine Mendoza died because of lying. Diritsong byaheng imperno na po ako!
Then he heard him...
"Oh, that's my girl!" He wrapped his arm around her waist.
"I have to go now Maine ko. See you Later! Susunduin kita. Hintayin mo ako dito" Aniya.
Ramdam ni Maine na nananadya talaga si Richard para marinig ng buong tao na nasa paligid.
Ipapaubaya ko na po ang kanyang kaluluwa sa inyo.
Ito ang pinakamatindi....
He gave her a quick peck on her cheek and left her dumbfounded in front of everyone.
Wala na Maine! Tapos kana talaga.
•••
Sorry natagalan. Na busy po eh. Pasensya! Ito po, as promised.
God bless po. Ingat! 😊
BINABASA MO ANG
Amor Inesperado (On Edit for 📖)
FanfictionWhen love strikes, it really strikes hard!