Richard went to a friend's invitation one evening. Hindi na sana siya dadalo pero itong si Maine ay mapilit talaga. Eh sa kailangan din daw niyang makipaghalubilo sa mga kaibigan niya. Makakatulong din yun sa pagpapagaling niya.
"Pero love, di ka ba talaga sasama?"
She shook her head.
"Love, gusto ko talaga. As in! Kaso may dapat pa akong tapusin eh. Need to report it to the executive meeting next week kaya kailangan ko na tong ipaghanda habang mas maaga pa."
He sighed. Wala naman na talaga siyang magagawa. Kahit gaano niya pa ito kukulitin mukhang di talaga sasama si Maine sa kanya.
"Okay."
"Isang gabi lang naman diba? Okay lang yun. Hahahaha tsaka marami naman kayo doon kaya keri lang."
"Okay."
"Okay ka ng okay diyan mag ayos kana nga.."
When he reached the venue, he was ushered to his seat. Habang nakikipag usap siya may napansin siyang pamilyar na tao.
Macoy?
He raised his hand at tinawag ang binata.
Nang makita naman siya ni Macoy, agad siyang lumapit at binati ito."Richard, andito ka pala."
"Oo eh. Kaibigan ko kasi tong nagpa party. Ang hirap tanggihan . Sino kasama mo?"
"Aaaah, kaya pala. Ako lang po mag isa. Busy po si Ching eh. May kailangan daw silang tapusin na gawain sa department nila. Ikaw? Saan si Maine?"
"Haaaay, ito. Mag isa din ako. Wala si Maine. Magka department na sina Maine at Ching diba kaya parehong busy yun."
"So mag isa ka lang din pala!"
"Oo eh. Unless, you'll accompany me tonight." Richard said.
"Nako! It would be my pleasure Mr. Faulkerson." He smiled.
"Ang pormal ha? Parang di tayo magka pamilya nito."
Namula si Macoy ng marinig niya yun. Inisip na din pala talaga ni Richard na magkapamilya na sila kahit bago pa sila ng pinsan niya.
Nginiti.an lang siya ni Macoy at umupo sa tabi niya. They would talk to other people who would dropped by to their table just to greet them pero balik usap din sila pag wala na.
They talked about their girls. Kung ano ang mga qualities na magkapareho sina Maine and Ching. Kung paano nila nalulusutan ang mga kasungitan at kaartehan ng mga ito.
Hours had passed...
"Coy, mukhang mapapaaga tayo ng uwi eh."
"Oo nga, nag iiba na ang aura nglugar."
Akmang tatayo na sana sila para umalis nang dumating si Bj Melando. Siya ang nag imbita kay Richard at Macoy sa party na to. Matalik siyang kaibigan ni Richard mula pa nung college at kababata din pala ito ni Macoy.
"Uy, Richard, Macs... Are you guys having fun?"
"Oo naman, salamat pare sa pag imbita sa amin." Pahayag ni Richard.
"Oo nga, nag sing.abot pa kami ni Mr. Faulkerson dito." Dagdag ni Macoy.
"No problem mg brod! Sana nag i.enjoy kayo! Nagsisimula pa lang tayo." He tapped the two.
"Bj, we would love to stay pare pero mukhang malalim na ang gabi eh. Malayo layo pa yung babyahi.in namin."
"Oo nga pare, may mga trabaho pa na na aantay sa amin bukas. Tsk"
BINABASA MO ANG
Amor Inesperado (On Edit for 📖)
FanfictionWhen love strikes, it really strikes hard!