Chapter 0.1

13.2K 421 16
                                    

Chard! Humanap ka na nga ng mapapangasawa mo at gumawa kayo ng sarili niyong anak hindi yung nanghihiram ka na lang ng mga bata sa mga kapatid mo!

He smiled when he remembered what his father said to him earlier.

Totoo nga naman! Bakit ba kasi ako nahihirapan maghanap ng girlfriend? Hindi naman ako ganon ka choosy! Hindi din naman ako maarte. Kahit sino naman pwede. Kaso hindi ko pa rin nahanap yung babae'ng magpapatibok... Hindi lang ng puso ko kundi buong internal at external organs ko!

"Huy! Ugok! Nakikinig kaba? Tulala kana naman diyan. May pangiti ngiti kapa! Baliw kana ata, pre." Pagpukaw ng atensyon niya nang kaibigang si Samir. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ni Rj sa kompanya at matalik rin niyang kaibigan mula nong college pa sila.

"Baliw agad? May iniisip lang ako."

"Ano naman yun? Baka makatulong ako."

Rj looked at him intently. Wari'y tinitimbang kung nagsasabi ba ito ng totoo.

"Sabihin mo na. Malay mo ako pala talaga makatulong sayo"

"Si dad kasi..."

"Na pano na naman tatay mo?"

"May sinabi lang siya sa akin!" Tugon niya.

"Ano?"

"Maghanap na daw ako ng mapapangasawa at magparami ng lahi!" Aniya sabay kamot sa batok.
Hindi naman napigilan ni Samir na mapatawa sa kunauupo-an.

"Sige, tumawa ka lang." inirapan niya ito. "Yan, yan matutulong mo sa akin, ang pagtawanan ako."

"Ito naman. Natutuwa lang ako. Kasi pati tatay mo nagrereklamo na. Buti pa nga yung bunso mong kapatid na babae kinasal at nagka anak na. Ikaw? Nganga pa din."

"Akala ko tutulungan mo ako? Sinumbatan mo lang naman ako eh."

"Pare kung ako sayo, I will take my dad's advice. Hindi kana pa-bata gaya nung movie ni Brad Pitt. Humanap kana ng babae'ng makakasama mo habang buhay kapa dito sa mundo."

"Yun na nga, saang lupalup ako makakahanap?"

"Diyan sa paligidligid. Madami kayang nag papantasya sayo! Kaso ikaw ang may problema pare..."

"Ako? Sa kagandang lalaki kong ito?"

"Hangin mo pare."

"Hindi nga... Sige, anong problema ko?"

"Ngumiti ka rin kasi paminsan minsan. Jusko naman! Bihira ka rin kasing ngumiti. Akala tuloy nila suplado ka. Para kang si Taguro pare."

"Ang sama mo na mang kaibigan!"

"Ang totoong kaibigan pare nagsasabi ng totoo. Kaya wala kang mahanaphanap na babae kasi takot sila sayo! Aura mo pa lang nanginginig na sila sa takot."

"OA naman! Ganito lang talaga kasi ako."

"Haaay, ewan ko sayo! Nga pala, yung magazine na mag fe.feature ng kompanya natin nanghihingi ng schedule for your interview. Ipa check mo sa sekretarya mong hanep sa kaseksihan pare kong kailan ka available."

"Sam naman! Yun lang pala sadya mo dito. Tinawagan mo nalang sana ako sa telepono. Nag aaksaya ka pa ng oras. Madami pang gawain uy!"

"Kaya nga oh? Ito na nga. Paalis na nga po oh? Bye. See you later!" Sabay sarado ng pinto.

Rj sighed.

Panginoon! Kailan pa dadating ang tamang panahon ko? Nang matahimik na tong pamilya at kaibigan ko sa kakadakdak tungkol sa lovelife ko.
Handa na po ako... Signal niyo na lang po ang inaantay ko! I'M SO READY!!!

•••

Yohoooo! I hope ma gustuhan niyo to. God bless us all!

Amor Inesperado (On Edit for 📖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon