Chapter 8

6.2K 348 36
                                    

Nakatitig lang siya sa screen ng laptop niya habang iniisip kung ano ang gagawin niya. Wala siya sa office niya dahil nasa bahay na siya ng Tita niya. Every thursday afternoon may family gathering sila. Pinagmulatan at nakasanayan na nilang gawin ito mula pa nung buhay pa ang kanilang mga lolo at lola. Hindi din kompleto ang kanilang buong semana kung hindi sila makaka attend sa gathering nila lalo na si Rj.

"K'ya, maya na yang trabaho na yan! Doon muna tayo sa may garden." His sister Rizza told him.

"Oo, May tatapusin lang ako dito." Pahayag niya.

"Bilisan mo ha?"

"Oo na! Wait nga lang kasi... Ma una kana doon!"

Nang makaalis na ang kapatid niya...

Okay may naisip na akong gawin.

Agad niyang nireplayan ang ka chat niya...

To AH Magazine:
"Ms. Mendoza, okay. I can give you my time. I will give you my personal Email Address para doon mo na lang ako tanungin. Wala na kasi ako ngayon sa office and i guess magmumukha akong tanga kung daladala ko ang laptop ko kahit nasa daan ako. I will be using my phone na lang."

Sent!

Sana naman wala na siyang masabi dito! I am giving her an idea para naman hindi makaisip ng masama ang pipichuging magazine na to sa kompanya namin.

"Okay Sir. No problem. I am about to go home din naman po! Pwede ko din po ba gamitin ang personal account ko? Phone lang din gagamitin ko habang nasa daan ako. Mahirap din kaya nasa jeep tapos nag la.laptop ka! Hehehehe is it okay with you?"

Aba! Nag joke pa siya. FC lang?

To AH Magazine:
"Okay! No probs. Basta ba wag mong ipagkalat itong Email Address ko ha? You can delete it pag natapos na tayo and i will do it to your account too."

Sent!

"Kuya Chaaaaard! Punta kana dito!" Pasigaw na sabi ni Rizza mula sa labas.

"Wait nga lang! Give me a minute." He shouted back.

After exchanging their personal account he started to opened it and messaged her.

To: @mainedcm
"Hello Ms. Mendoza. This is my account."
-RichardFaulkersonJr.
*sent

After a minute, she replied.

From: @mainedcm
"Okay Sir. So start na tayo?"

"Okay lets start." He chatted while walking towards the garden.

Pansin naman ni Rizza ang patawa tawang reaksyon ni Rj habang nag kukuni kuni sa phone niya.

"Tignan niyo si Kuya, andito nga kasama natin pero ang isip at kaluluwa nasa tao na ka text niya." She said, giggling.

Nagulat naman si Rj sa sinabi ng kapatid niya.

Gaga tong batang to oh? Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tita at tito ko.

"Baka nagka love life na." Sabi ng isang tita niya.

"Malay natin, next week. Dala na niya yang ka text niya!" Tita Precious said.

"Nako!! Kung ganoon man magpapa fiesta talaga ako." Their Dad said.

At nagsitawanan naman silang lahat.

Amor Inesperado (On Edit for 📖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon