"Maine"Natulala siya nang makita niya ang di inaasahang bisita...
"Anong ginagawa mo dito?"
"Okay sige, alis na lang ako!" She motioned to turned back.
"Ito naman, nagtatanong lang!" Taranta niyang sabi.
"Eh, parang ayaw mo ata akong makita eh. Madali naman akong kausap."
"Huy, di ah. I mean, gusto ko. Gustong gusto ko. Nagulat lang naman kasi ako kasi akala ko wala kanang pake sa akin."
"Seeees, drama nito!"
He grinned.
"Upo ka muna."
"Sige, salamat. Nga pala... May dala akong pagkain."
"Uy, sweet naman! Salamat huh?"
"Sweet ka diyan! Wait, punta muna ako pantry ihahanda ko lang to."
"Hindi, tatawagan ko na lang si She...-"
"Ako na, aabalahin mo pa yung tao may ginagawa yun eh."
"Ahaaaay, fine. You're the boss."
"Yaaan, ganyan." Then she walked away...
Nakita ni Sam at Sherybel na lumabas si Maine sa office at nagtungo sa pantry...
"She, ano sa tingin mo?" He smiled.
"Huy, ano ka ba! Ka lalaki mong tao ang chismoso mo."
"Wow ha? Tinatanong ko lang naman kung anong masasabi mo. Chismosa agad?"
"Duh! Ewan ko sayo. Bumalik ka na doon sa office mo."
"Arte nito! Crush sana kita eh. Umusog ang mata ko, pangit kasi ng ugali mo."
"Bwesit ka! Layas! Kung ayaw mong mahampas nitong telepono na hawak ko."
"Alam mo? Palagi na lang akong pinagtatabuyan! Walang nagmamahal sa akin." He pouted.
"Umalis ka sa harapan ko Samir! Pag ako talaga hindi na makapagpigil..."
"Oh, ito na. Aalis na po! Fine. Pero chika ka maya ha? Kung may alam kang ganap."
"Isa..."
"Ito na nga... Paalis na!"
Nang matapos na niyang ihanda ang pagkain bumalik na siya sa office ni Richard.
"Oh? Ano yan?" Tanong ni Maine nang makita niya si Richard na nag sca.scan sa monitor."
"Hinahanda ko lang yung mga gagamitin ko mamaya sa meeting."
"May appointment kapa mamaya?" Lumapit siya at hinawakan ang noo at leeg nito.
"May lagnat kapa eh."
"Hindi ko kasi napa cancel to. I need to attend his meeting later."
"Hindi mo ba talaga pwedeng ipa cancel yan? May oras pa naman eh."
"Maine, hindi to nasali sa mga napa cancel ko na appointment last week... kaya kailangan ko talaga tong puntahan. Janna's team will be expecting me to be there later."
Janna na naman? Gasgas na ang pangalan nato ah. Ahaaaay.
"No, hindi ka dadalo. Siguro naman ayaw ng Janna na yan na pupunta ka sa meeting na maysakit diba? Tignan mo nga yang sarili mo Richard? Nakakaawa kana. Magpahinga ka naman."