"Ang cool ng family mo Maine!" He said amusedly."Wag ka nga! Paano naging cool eh puro pamimintas ang mga sinabi nila tungkol sa akin. Minsan naisip ko nga kung anak ba talaga nila ako o na pulot lang nila ako sa daan."
"Huy! Wag ka nga. Ang blessed mo nga at kompleto pa pamilya mo!"
Napatingin naman si Maine kay Rj na focus sa pagmamaneho.
"Aw? Bakit? ikaw ba?" Seryoso niyang tanong.
"Wala na si Mommy! Namatay siya sa Cancer, matagal na. Si Dad na lang ang natira sa amin. Ang dalawang kapatid ko na man may mga sariling pamilya na."
How could this guy be so family oriented when in fact matagal na palang di buo ang pamilya niya.
"Oh, I'm so sorry about that." Payukong sabi ni Maine.
"Uy, okay kang! Ikaw naman. Para bang nakakaawa na talaga ako sa paningin mo! Hehehe"
"Eh, kasi naman. Mag isa ka na lang sa buhay! I mean, Yes. You have your dad pero syempre iba pa rin yung may Nanay ka!"
"Hmmmm. Yes, tama ka naman. Pero may mga tita at tito din naman ako na pumupuno sa pagkukulang ni Mommy kaya naging okay lang din naman ang lahat."
"Pero iba pa rin kasi pag may ina!"
Napatingin naman si Rj sa kanya...
"Alam mo, ang kulit mo noh? Sige, buhayin mo kaya Mommy ko sa hukay?"
Napatawa naman si Maine.
"Joke lang naman kasi... Inaasar lang kita. Hahahahaha"
"Hah! Last mo na yan." He rolled his eyes. " Uy, uy. Wag mo ipatong yang paa mo sa upo.an! Jusko, umayos ka nga sa pagkaka upo."
Ang arte naman nito!
"Ay, sorry! sorry!" Umayos siya sa pagkaka upo.
"Sabi pa naman ng Tatay mo mabaho yang paa mo! Baka dumikit na ang baho ng paa mo sa upo.an ng kotse ko!"
Nyeta! Sasapakin ko na talaga to.
"Naniwala ka naman?"
"Malay ko ba nagsasabi talaga ng totoo yung magulang at kapatid mo."
"Alam mo? Pogi ka nga kaso tanga kalang!"
"Ano? Paki ulit?" He glanced at her then back to the road again.
"Wala!"
"Hindi, May sinasabi ka kanina eh."
"Bingi!" She whispered.
"Narinig ko yun!"
She chuckled.
Paraparaan din tong gago na to oh.
"Ma iba ako Rj, may sasakyan ka naman bakit nag co.commute ka nung mga nakaraang araw?"
"Eh kasi pinaayos ko tong sasakyan ko eh. Kaya nag tsa tsaga muna ako last week na mag commute."
"Aaah, ganon ba? Ang taray! Ang nag iisang 'Richard Faulkerson Jr.' Nag co.commute." magandang headline sana yun sa mga local news.
"Wag ka nga! Walang nakahalata nun huh? At hindi na ako uulit. Jusko, may naka away kaya akong may tuliling sa utak doon sa jeepney!"
He earned a slapped on his arm.
"Loko ka! Ikaw kaya yung reklamador doon. Uy, anong ngini ngiti ngiti mo diyan Mr. Faulkerson."
"Hindi, ang cute lang kasi. Ang weird ng mga previous meeting natin! Naalala mo? Sa sakayan ng pedicab tsaka sa jeepney?" He laughed.
Kulang pa Richard. Yung hinopia mo ako! Isali mo yun gago ka. Nag mukha akong tanga nun.
"Uuh, oo nga! Hay nako! Grabi ba naman diba?"
"Pero infairness, iba rin gumawa ng paraan ang Diyos para ipagtagpo tayo! Akalain mo? Sa dami dami ng babae sa buong mundo? Ikaw ang naging instant girlfriend ko."
Enebe! Oh wait, lulunok muna ako ng laway. Hmmmmm sherep! Wait, bat ako kinikilig? Charat.
"Ganoon si God maka plano sa buhay natin. May mga tao lang talaga na na memeet natin sa hindi natin inaasahang panahon pero sa panahong iyon? Doon pala magsisimula ang lahat!"
"Diba? Malay natin. Mauwi talaga to sa tutuhanan ang pagpapanggap natin!" He said sabay kindat sa dalaga.
Inay ko po! Mapapakanta naman ako nito sa d oras.. Platinum Karaoke please.. Eheeeeeerm.
🎤 Bakit di na lang totohanin ang lahat!🎤 open minded pala tong Richard nato. Lakas maka networker oh? Hahahahaha"•••
Nakakaloka. Nag ge getting to know each other na sila mga beshieeee. Hahahaha abangan natin ang mga sumusunod na kabanata. Hehe
Not feeling well si ako. Kaya expect muna sa matumal na update ha?. Pero gagawin ko pa rin lahat sa abot ng aking makakaya para maka update ako kahit papano.
God bless. Ingat!
BINABASA MO ANG
Amor Inesperado (On Edit for 📖)
FanfictionWhen love strikes, it really strikes hard!