Its been two days since bumisita si Maine sa office ni Richard... Two days na rin mula nung oras nang hinatid ni Richard si Maine sa kanilang bahay.Panay ang tingin ni Maine sa phone niya...
Ooooh ha? Umaasa ka te? Wala ngang text diba? Bakit check ng check ka diyaan sa telepono mo.
Inilagay na naman niya uli ang phone sa may side table at humiga ulit siya sa kanyang kama.
Itulog mo na kasi yan. Busy yung tao eh.
Kailangan na din niyang magpahinga dahil maaga pa siya bukas sa trabaho.
10 mins. After... Tumunog ang kanyang telepono...
"Hello?" Sinagot niya ang tawag na hindi man lang tinignan ang caller.
"Maine? Maine! Ikaw ba to?" The caller said.
Sino ba tong impaktang to? Sigawan ba naman ako? Parang lumipad ang kaluluwa ko sa di oras.
"Hello? Sino to?" Then she checked the caller name.
Unknown number...
"Maine! Si Tita Sally to. Remember?"
Tita Sally? Sinong Tita Sal.. Aaay! Shot! Tita ni Richard.
"Maine? Still there?"
"Po? Ay. Opo. Still here po. Tita Sally? Napatawag po kayo..."
"Eh, pinapa remind lang kita bukas sa family gathering natin!"
Family gathering? Natin? Aaaay Sandali...
"Maine? Mahina ba signal diyan? Hindi kita naririnig.
Hindi mo talaga ako maririnig tita, eh di ako nagsasalita eh.
"Aaay. Po. Opo Tita. Yes po. Sorry po Tita."
"Soo.. Aasahan kita bukas ha?"
"Aaay. Opo. Dadating mo ako. Baka mapaaga po ako bukas."
Aaay shooot! Pumayag ka kaagad? Bakit? Family member ka te? Hindi ka man lang nag pa pabebe. At sinabi mo pa talaga na mapapaaga ka. Ang lala mo bes.
"Good. Good. Punta ka lang dito. Wag kang mahiya ha? Sige na. Ibababa ko na to. Goodnight Maine."
"Okay Tita. Goodnight po."
Ang lambot nang ilong mo bes. Umu.o ka talaga agad noh?
The next day...
Tita Sally Calling...
"Maine? Anong oras ka pupunta dito?"
Wow? Wala man lang greeting? Tanong agad agad? Atat si Tita. Hahaha
BINABASA MO ANG
Amor Inesperado (On Edit for 📖)
FanfictionWhen love strikes, it really strikes hard!