Its already 8:30am, may meeting pa ako! Putik! Wala pang taxi?! Uuuuurggggh!!!Umagang umaga pa lang wala na sa mood si Richard. He woke up late, hindi na nga siya nakakain ng agahan dahil sa kamamadali... Wala pa siyang mahagilap na taxi cab.
Malas na araw! Malas na malas!
He shook his head and he decided na pupunta nalang siya sa sakayan ng jeep at sumakay nalang doon.
Wala na akong choice! Mag jejeepney na lang talaga ako.
Nang maka upo na siya sinandal niya ang kanyang ulo sa braso niya na nakahawak sa holding bar at pinikit niya ang kanyang mata.
Kasalanan mo to eh, kaya pagdusahan mo. Sabing hindi na dapat mag puyat sa panunuod ng 'Game of Thrones' ... hindi ka pa rin nadala. Yan! Late kana!
After a few minutes...
8:45, hindi pa ba to aalis? Uuuuurrrrgggh. Nakaka badtrip na umaga talaga uh-oh.
Umayos siya sa pagkakaupo...
"Manong, hindi pa ba tayo aalis? Ilang minuto na tayo dito oh?" He said to the driver.
"Aguy dong! Hindi mo ba alam ang sistema ng sakayan dito? Kailangan mapuno pa to bago umalis. Kung nagmamadali ka talaga bumaba ka dito at mag taxi na lang!"
Fine, fine. I will just wait. Nakakainis!
Humawak siya ulit sa holding bar.
8:55am
Wala na! Late na talaga. I will just cancel my appointment.
He took his phone and dialled his secretary's number.
"Hello She? Paki cancel ang appointment ko ngayong umaga at e.resched mo na lang next week! Late na ako oh, tsaka sobrang traffic pa dito malapit sa flyover."
"Okay boss! Copy!"
"Sige, bye!"
Sa kabilang dako...
Nakikipag siksikan si Maine sa upo.an na halos isang pisngi ng pwet lang niya ang kumakasya!
Nyeta! Kung maka upo naman tong tao'ng to... Akala niya nasa sala nila. Hindi nila iniisip na may nahihirapan ding ibang pasahero!
"Uuuhm, Manong? Pwede po bang umayos kayo sa pag upo? Hindi naman po to photo studio at kailangan nating tumagilid para makuha ang insaktong angle. Nasa jeep po tayo! Paalala ko lang po!" Hindi na mapigilan ni Maine ang magsalita.
Some of the passengers laughed.
Ako ba ang pinagsasabihan ng babae'ng yon?
Rj on the otherside heard the lady. Nakapikit pa rin siya habang nakasandal ang ulo sa braso.
He slowly opened his eyes. Dahan dahan din niyang tinignan ang babae'ng sumigaw kaniya.
Ay shokoy na baboy! Si pogi pala to!
"Miss may problema ba tayo?" He looked at her.
Ang mga pasahero naman ay pabaling baling ang tingin sa dalawa.
Problema? Oo bes, may problema tayo! Yang kapogi.an mo! Nakakalaglag ng bra! Char lang. Joke lang, strapless pala tong bra ko.
"H-ha? Problema? W-wala naman Cha..Chard!"
"Wala naman pala eh! Manahimik ka na lang pwede? Kung ikakasakit ng pantog mo ang pagtagilid ko sa kinauupu.an ko wag kang mag alala, magbabayad ako ng doble! Just mind your own business"
Abay! Loko to ah. Pinahiya ako sa harap ng maraming tayo! Akala mo papayag ako na ganonin mo lang ako? Pweees, single ako "OO", tatandang dalaga ako "siguro".. Aaaay, Aray ko naman! Sana hindi. Pero hindi ako papatalo sayo! Pogi ka "OO" pero asal mo??? "Mas masahol pa ang basura!"
"Excuse me, Richard... Richard ka diba? Oo.. May problema ako sayo! Insensitive ka! Makiramdam ka naman sa mga taong nasa paligid mo! Nakikita mo ba tong pwesto ko ngayon? Tignan mo oh? Isang pisngi ng pwet ko nalang ang kumakasya dito.. Sana naman naawa ka! Hindi ka naikakaganda sa ekonomiya! Ang bagay sayo tinatapon sa pluto!"
The passengers chuckled.
Siraulo tong babae'ng to ah. Nagsasalita na ngang mag isa hindi pa nahihiyang mag eskandalo.
"Babayaran ko nga ng doble ang pagkaka upo ko diba? Don't you get it? Nakapang office uniform kapa naman. Bobo pala! Siguro ikakahiya ka ng kompanya niyo!"
Gago! Na memersonal tong lalaking to ah! Tseeee! Mas pogi pa si Alden Richards sayo!
"Antipatiko!" She said and she rolled her eyes to him.
"Aaay, excuse me po! Kung mag aaway lang kayo dito sa sasakyan pwede po ba bumaba nalang kayo?? Nakakasira kayo ng araw ng iba eh. Wag naman kayong mangdamay!" The driver interrupted.
"Hayaan mo sila driver ang cute nga nila tignan eh. Mukhang magkakilala naman ang dalawang to!" wika ng isang pasahero.
"Alam niyo? Pustahan to huh! Magkakatuluyan kayo!" An old passenger said.
"Nako po nanay! Mas mabuting tatandang dalaga na lang po ako kesa makatu...tu...luyan ko yang lalaking yan!"
"Ako din po! Kahit na 'FOREVER ALONE' ako... Okay lang! Kesa makasama ang babae'ng gaya niya na bungangera!"
"Huy, sumosobra kana ha! Akala naman kong sinong gwapo! Huy! Huy! Kuko ka lang ni Alden Richards noh!"
"Pake ko sa Alden Richards na yan! Kung makapagsalit akala naman close.. Bakit? Boyprend mo?"
"Yan, diyan talaga nagsisimula yan eh! Away away.. Ganon ganon pero di kalaunan magkakatuluyan din." Teased by another passenger.
"NEVER!!!" They said in unison.
•••
Ayaaan na! Nagkita nag sila. Kaso?? Nako! Hindi maganda ang tyempo ng panahon. Hahahaha pero ika ng isang qoute"Everything really happens for a reason"
Kaya abang abang ulit tayo sa susunod na kabanata. 😉
Feel free to share your thoughts. We are in a democratic country by the way 😉 hihihi
Follow and tweet with me @sheeshaii021
Thank you and God bless us all.
BINABASA MO ANG
Amor Inesperado (On Edit for 📖)
FanfictionWhen love strikes, it really strikes hard!