Chapter 80

5.8K 280 15
                                    

"Richaaaaaaard!!! Ano ba!"

"Ayaw ko nga sabi eh."

"Black na lang kasi..."

"Hindi nga ako papayag!"

"Bakit? Maganda kaya! Unique."

"Anong naka unique nun? Jusko! Kasal natin to Love! Hindi lamay."

"Grabi ka! Para maiba nga kasi.. Ang ganda kaya nun, lahat sila naka black tapos tayong dalawa lang naka white."

"Wag mong ipilit Nicomaine!"

"Gusto ko eh! Gustong gusto ko. Uuuugh. Sana di na lang kita sinama dito!" Maine pouted.

"Marami naman tayong pwedeng pagpipili.an ah! May selber, may gold, may bayolet, penk! Iba pa. Love naman! Wag naman black!"

"Eeeeerm." The organizer interrupted them. Mukhang may namumuo na kasing tensyon sa dalawa.

"Sige, push mo yang black mo! Sinasabi ko talaga sayo!"

"Sasabihin na ano? Di ka sisipot? Ha? Pucha!!! Ano bang ginagawa natin dito kung motif pa nga lang di na natin mapag usapan ng maayos!"

"Uuhm, Ma'am Ser... Uuh."

Tumayo si Richard.

"Alam mo ayan kana naman! Puro na lang ikaw nasusunod. I.consider mo naman ang gusto ko Maine. Tayong dalawa to eh."

"Uh, sandali po Ser uhm Ma'am..."

"Uuugh! Sabi mo sakin kahit ano basta ikakasaya ko. " tumayo na din siya. Nakipag titigan na din ito sa kanya.

"SANDALI NGA LANG!!! ANO BA? MAGPA PLANO BA TAYO PARA SA KASAL niyo o MAG AAWAY LANG KAYO dito?" Pasigaw na sabi ng organizer na ngayon ay iritang irita na dahil sa pagbabangayan ng dalawa.

Natahimik at napatingin ang dalawa sa kanya...

"Kaya nga tayo nandito para pag usapan ito! Hindi yung kanya kanya kayo ng desisyon. Mag si upo nga po muna tayo."

Wow si ate tigre!

Umupo naman ulit ang dalawa, wala ni isa sa kanila ang nagsalita habang ipinakita ng organizer ang mga possible motifs na na fi.fit sa kanila. Tango ng tango naman ang dalawa.

-Tango ng tango ka din naman ng makita ang ibang colors! Pero kanina pinagtutulakan ang black. Haaaaay  buti na lang mahal na mahal kita! Uuugh. I cant wait to spend the rest of my life with you Maine! Kahit may pagkatigasan tong ulo mo.

"Love! Huy!"

She shook his shoulder.

"Ha? Uh. Yeah yeah. Maganda."

"Anong maganda!? Tinatanong niya kung ito bang Brown and Ivory shades or itong isa..."

"Ha? Uh eh. Uhm. Ikaw bahala! Basta ba di puro shades of black."

"Aw okay!" She smiled at him.

-That smile. Ilang kembot na lang mamasdan ko na yan pagkagising at bago matulog. Araw araw, gabi gabi.

"Richard naman eh!!"

"Ha? B-bakit ba?"

"You are not paying attention eh. Ano ba talaga? Kanina reklamo ka sa black tapos ngayon di ka nakikinig sa mga pinag uusapan dito. Are you into it? Ano? Itutuloy pa ba natin to? Baka you want to change your mind? Postpone? Lets call it done? Or ano...?" She said worriedly.

Amor Inesperado (On Edit for 📖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon