Habang busy si Maine..."Ate Menggay!"
"Aaay, Balut! Ano ba Ching. Nakakagulat ka naman."
"Aaay, sorry sorry ate."
"Ano pakay natin?" Anito habang nakaharap ito sa dalaga.
"Busy ka ate? Meryenda muna tayo."
"Uuhm, bi. Wait, check ko muna. Hmmmm okay sige. Labas tayo."
Pansin naman ni Maine na tahimik lang si Ching habang naglalakad sila.
May problema to. Ang tahimik eh! Di ganito bunganga nito.
"Ching?"
"Yes ate?" Pangiting sabi nito.
"May problema ba tayo?"
"Po? Uuuhm..."
"Ano yun?" Maine asked her.
"Kasi ate.. Ano.."
"Sabihin mo na. Sino ba naman ang magtutulungan dito kundi tayo tayo lang."
"Eeeih. Ate si ano kasi..-"
"Aaay, wait. Kuya mo tumatawag. Wait lang. Hello? Love."
"Maine ko? Kamusta? San ka ngayon?"
"Andito kami ni Ching sa Coffee Shop malapit lang dito sa office."
"Ano ginagawa niyo diyaan? Nako! Baka nagpapa libre na naman yan huh?"
"Malamang nag kakape kami Ricardo! Alangan naman o.order kami dito ng bagoong! Tsaka, okay lang noh. Maliit na bagay lang naman to love." Hininaan niya ang boses niya habang tinitignan si Ching na ngayon ay busy din sa phone niya. "Mukhang may problema to eh.",
"Naniniguro lang naman. Ikaw talaga Mahal! Ooows? Problema? Nako! Nagdadrama lang yan!"
"Richard!"
"Aaay, joke lang. joke lang! Oh sige. Tawag ako maya. Mag usap muna kayo. I love you!"
"Okay, i love you too. Pakabait ka diyan! Wag maglalaro ng apoy."
"Aaay, grabi siya! Hahahaha sige na love baka kanina pa nagdadabog yang kasama mo diyan."
"Okay! Bye."
Binaba na niya ang phone.
"Soooo, Ching! Let's continue. Ano nga ulit yun?"
"Uuuhm, ate.. May itatanong ako."
"Hmmm, sige. Ano yun!?"
"Ate, may mga naririnig kasi akong sabi sabi eh. Na ano daw... Bakla si ano.. Siya."
Halos mabuga naman ni Maine ang iniinom niya.
"You mean? Si Macoy!???" Napalakas na sabi ni Maine.
"Ate, huy ate. Hinaan mo naman boses mo. Jusko! May mga workmates tayo dito oh?"
"Aaay, sorry naman. Nagulat lang ako."
"Ateeeee! Ano ba? Totoo? Alam kong may alam ka dahil pansin ko na close kayo." Busangot niyang sabi.
"Anong klaseng tanong yan oi. Hahahahaha pero swear, wag kang basta basta maniwala diyan sa mga sabi sabi uy. Ikaw ba? Ano sa tingin mo?"
"Ate naman eh, ikaw tinatanong ko. Bakit mo ba binabalik sakin?"
"Aaaw. Ano ba yan! Hahaha basta Ching, ito lang advice ko. Wag ka basta basta maniwala sa mga haka haka sa paligid. Pakiramdaman mo siya. Ikaw mismo ang humusga kung bakla siya o ano..."
Haaaau nako! Kung alam mo lang Ching. Kung alam mo lang.
"Okay po ate." She sighed.
Makalipas ang ilang minuto.
Maine's phone rang again...
"Richard naman eh."
"Love, andito ako sa labas ng coffee shop na sinasabi mo."
Aba! Mas malakas pa ata to kay "the flash" ang bilis ah.
"Pasok ka. Andito kami sa may right corner."
Nangmakarating na ito.
"Oh? Bakit parang mas lalong pinagkaitan ng kagandahan tong kasama mo dito love? Kung makasimangot oh parang bulldog!"
"Ang sama mong pinsan! Ate Maine, bakit ka na tyatyaga dito sa pinsan ko? Mali ata desisyon mo na minahal tong mukong na to." She rolled her eyes at him.
Tumawa naman si Richard.
"Waaaaah, asar talo!" He teased her.
Binulungan naman siya ni Maine.
"Love, ano ba! May problema na nga yung tao eh. Pinapalala mo pa."
"Ooow? Sige nga. Chingyot! Ano problema mo?"
"Its none of your business! Adik!"
"Ako adik? Dito lang ako sa Ate mo adik! Adik na adik." Gigil na sabi ni Richard.
"Yuuuucks! Ang maniac ng pagkatitig!"
"Inggit ka lang! Wala kang lovelife!"
"Ate Maaaaaaaine! Iwan mo nga tong kuya Richard ko. Please please."
"Sorry ka na lang pero pang FOREVER na kami ng Ate Maine mo. Diba love? Love? Diba?" He pouted.
Napatawa lang si Maine sa ka cute.tan ng boyprend niya.
"See? Di nga makasagot si Ate Maine. It means, ilusyonado ka. Hahahahaha belat!"
"Bastos kang bata ka! Sisiguraduhin kong pagsisisihan ni Macoy ang pagpapaalam niya na ligawan ka."
"Love..."
"An-ano sabi mo kuya????!"
"Araaaay, araaay ko love. Bakit mo na naman ako kinurot?" Alma ni Richard.
"Ang daldal mo masyado! Loko ka. Nasira mo plano ni Macoy! Alam mo ba yun?" He pinched him again as she whispered low.
"Hala! Sorry sor...-Araaaay ko. Aray ko Maine ha? Nakakarami kana."
Si Ching naman ay gulat na gulat pa din sa mga narinig niya...
"Haaaay nako! Nalaman na tuloy ni Ching. Panira ka love eh! Dahil diyan, ikaw magbabayad nitong lahat na kinain namin."
Napakamot na lang si Richard ng ulo.
•••
Ano bang pinaglalaban ko dito sa update nato? Ang SABAW. PASENSYA! 😌😔 pero si Richard Panira ng diskarte! Paano na yan. HAHAHA
Pero ito...
-CONFESSION OF A FAN!- (abangan SOON) 😉
Promote ko lang ang isang pinagkakaabalahan namin ni Karl para sa future. Eeeeey, share ko lang sa inyo:
https://losingweightnurse.sendlane.com/view/losingweightnurse
God bless. Ingat!
BINABASA MO ANG
Amor Inesperado (On Edit for 📖)
FanfictionWhen love strikes, it really strikes hard!