Chapter 67

5.8K 343 56
                                    

CONFESSION OF A FAN now on its 2nd Chapter! Hahaha 😂😂

http://my.w.tt/UiNb/hiziofMcQy

Enjoy reading po! 😊

•••

"From Mount Elizabeth Hospital? Y-yeah WHAAAT????????"

"Uhm, Y-yes Doc. O, it's my pleasure to be your guest in your Opening program for your new facilities. I am so sorry I was not able to visit you the last time I went here. But now, I assure you. I will attend that event."

"..."

"O, you know me Doctor Librada! I will surely give you a time tonight."

"..."

"Yes yes...-" naglakad siya pabalik sa kanyang kwarto.

Napabuntong hininga naman ang dalawa. Akala nila kung ano na ang nangyari, hospital ang tumawag eh. Syempre nataranta sila. Good thing, isang matalik na kaibigan lang pala ni Richard na nagtatrabaho sa hospital doon sa Singapore ang tumawag sa kanya. Nalaman kasi ni Dr. Librada na nasa Singapore siya, timing din sa pagbukas ng bagong facilities nila kaya inimbitahan na niya itong pumunta sa hospital.

"Akala ko kung ano na! Hoooo!"

"Kinabahan din ako doon Sam."

"Uhm, wala ba tayong plano magbitawan ng kamay She?"

Namula naman ang dalaga at agad itong bumitaw.

"Pero Sam, wala pa din si Maine. Jusko baka napano na? Tsaka... Huy, aalis si Richard ngayon! Nalintikan na, maypa opening ba sa ganitong oras? Anong klaseng doctor st hospital ba yan?"

"Abay ewan ko!"

Gumawa na ng paraan ang dalawa para di umalis si Richard sa gabing yun pero mukhang pursigido talaga ito at gusto niya talagang pumunta sa imbistayon ng kaibigan niyang doctor.

"Pokerson! Kailangan mon itong i.check ngayon. Please, mas importante to kesa sa opening na yan. Wag kanang umalis!" Pagpigil ni Sam sa kanya habang halos isubsub na nito ang papeles sa pagmumukha ni Richard.

"I can check that tomorrow morning. Saglit lang ako doon promise! Balik ako agad."

"Uhm, you have to check this too Richard. Mukhang ano eh... May kulang sa report ni Mr. Saluna." Pagpigil din ni Sherybel.

"Huy! Ano ba kayo! Pwede naman na kayo lang ang mag check niyan eh. Tsaka diba? Sabi niyo mag di.date kayo? Bakit andito pa kayo? Lumabas na din kaya kayo, sabay na tayo."

"Haaa? Kasi ano...-"

"Hali na kayo!!! Dali." Hinila niya ang dalawa palabas.

Nagtinginan lang sina Sam at Sherybel. Hindi na nila alam kung anong susunod na gagawin nila.

"Nga pala... Yung naasidenteng pinoy. Mukhang dinala doon sa Mount Elizabeth Hospital. Pag nagka oras bibisatahin ko siya baka kailangan niya ng kahit kunting tulong. nakakaawa naman. Nangingibabaw pa rin pala talaga ang pusong pinoy kahit saang bahagi kaman ng mundo diba?" Wika ni Richard habang papunta sila sa lobby ng hotel, palabas.

Tumango lang ang dalawa.

"Oh, siya sige.. Mauna na ako! Baka magabihan talaga ako ha? Wag niyo na akong hintayin." He smiled. "And.... Enjoy your date." Sabay pakita ng patuksong ngiti.




Nang dumating si Richard doon sa hospital nasa kalagitnaan na ito ng programa. They acknowledge him at binigyan din nila ito ng oras para makapagsalita sa harapan. Matapos ang programa, he asked his friend if he could visit the filipino who got an accident on the said day too.

Amor Inesperado (On Edit for 📖)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon