Para bang naka adhesive tape ang kanilang mga bibig sa buong byahe.Yan sige Faulkerson! Dada ka kasi ng dada tignan mo ngayon. Ngangey ka!
He parked the car in the garage.
Two, four, six, eight, ten!!!! TEN CARS ALL IN ALL??? Shocks! Anong klaseng mga tao ba ito? Bakit ang dadaming sasakyan. Oh wait, ang iingay sa loob ng bahay, may nagkakantahan, may nagtatawanan, may sumisiga...-
"Rj is here and she's here too." A not so old woman shouted, approaching near the car.
"Tita ko yan!"
Oh wait, bakit familiar... Bi? Titigan mo ng maayos Menggay! Aaaay, ilong ni Allan K. Kilala ko to ah. Ito yung nakasabay ko sa sakayan ng pedicab! Ano ginaga...- aaay nako! Tita pala siya ni Rj, siya yung binalikan ng taxi. Yung gabing na hopia ako! Aaaay, ERASE ERASE ERASE..
"Siya si Tita Precious!" He added.
"Aaaaaah! Okay." Mahina niyang sabi.
"Baba na tayo!" Akmang Bubuksan na sana ni Richard ang pinto ng...
"Wait, Chard. Wait lang. Nangangatog ang mga binti ko."
He chuckled.
"Sige, pagtawanan mo ako di talaga ako lalabas dito."
"Ay, sorry sorry! Chill. Mababait yan sila. Hindi ka nila niyan aanohin. Swear!"
"Sabi mo yan huh?"
"Oo nga sabi. Hehehe"
"Eh, Richard baka ano... Baka, sa susunod na lang! Jusko huh? Isang sigaw lang ng tita mo nagsidagsaan na sila sa may pinto.an malapit sa akin."
"Excited nga kasi sila... Hali kana! Wag kanang pabebe."
"Eeeih, wait lang sabi eh. How.. Uuuhm. How do I look like?"
"Maine, your gorgeous! Swear. Ganda mo Tsang! Kaya please baba na tayo. Naghihintay na sila."
"Wow Tsong huh? Laking tulong mo sa pagkababae ko."
Wag kanang maarte Menggay! Gorgeous ka daw kasi! Labas na at irampa mo na yang kagandahan mo.
"Relax lang okay? Yung pinag usapan natin huh? Remember, July 16 mo ako sinagot huh? Tapos ang...-"
"Alam ko na Richard, baba na dali! Bago pa magbago ang isip ko."
"Basta ha? Hmmmm."
"Baba na kasi, pagbuksan mo na ako!"
Okay Maine. Simula lang to. Mukhang mababait naman silang lahat. Be friendly na lang. Wear your sweetest smile and give them your warmest 'hello'
BINABASA MO ANG
Amor Inesperado (On Edit for 📖)
Hayran KurguWhen love strikes, it really strikes hard!