Pwede napo natin mabasa ang bagong story po.
Confession of a FAN. Here's the link:http://my.w.tt/UiNb/pKpdw1IoOy
Visit also our #CONFAN FB page and confess...
https://www.facebook.com/ConFan/
THANK YOU GUYS! 😉😂
Now, lets continue our story!•••
Isang araw pa lang mula nung lumipad si Richard pa Singapore pero reklamo na siya ng reklamo kay Maine na gusto na niyang umuwi dahil na mimiss na siya nito ng husto.
"Loooooooooove! Gusto ko ng umuwi!!" pasigaw na sabi ni Richard nang makita niya si Maine sa screen. Nag vivideo call silang dalawa. Kararating lang din ni Richard mula sa kanyang paunang meeting at si Maine naman nasa office pa din.
"Huy, di pwede. Marami kapang naka line up na meetings jan. Tapusin mo muna yan."
"Andito naman si Sam love! Uuwi na ako." He pouted.
"Para kang sira! Hindi lang naman tayo ngayon nagkalayo ah. Tsaka isang araw pa lang ang lumipas Dong oi!"
"First time kaya natin nagkalayo ng ganito kalayo! Overseas ganon ganon!"
"Drama nito!" She rolled her eyes at him, pigil na pigil siya na ngumiti..
"Naaaah, ayaw mo ata akong makita eh. Di mo ba ako namimiss?" He pouted again. Para siyang kindergarten, section 12 sa reaksyon niya.
"Love, wag OA please."
"Fine. Sige, tulog na lang muna ako. Di mo talaga ata feel yung pagmumukha ko ngayon eh. Di ka clingy, di mo na ako love." Pa drama niyang sabi.
"Richard Faulke...-"
The screen went black.
Siraulo yun! Binabaan ba naman ako. Hahahaha pero okay lang. Tignan natin kung aangal pa siya kung mak...-
"O Maine? Bakit andito kapa? Ano ba oras flight mo pa Singapore?"
"Hi Ma'am, maya pa po 5:30pm."
"Aaah, good. Enjoy your 5 days leave. Mukhang kailangan mo talaga yan eh. Super stressful kaya ang work last week." Bomela said.
"Oo nga Ma'am eh." Pangiti niyang sabi.
"Oh siya... Happy trip sayo. Ikamusta mo na lang ako kay Mr. Faulkerson. Balita ko andun siya sa Singapore ngayon para sa Continental Investors Convention. Mag enjoy kayo doon!" She winked and bid goodbye to her.
Kinamula naman ni Maine ang sinabi ng boss niya.
Matay!! Nakakahiya, nalaman ba naman l. Ano na lang kaya iisipin nila sa akin? Tsk Pupunta ako ng Singapore alone, isusoprisa si Richard ALONE at magsasama kami doon ng ilang araw pero syempre di na alone. Yung mga isip niyo huy!!! Sabing di nag i.SPG si Shaii eh. Ano kayo eh!!
May mga kasama na kami doon, sina Sam, Sherybel at iba pa. Kaya nganga kayong mga harot kayo! Hahahaha papayagan ba naman ako ni tatay at nanay na pumunta doon na kami lang? Syempre OO. Atat na din kasi ang mga yun eh. Hmmmmm na excite pa sila nung tinanong ko kung papayag ba sila na susunod kay Richard sa Singapore. Ibang klase!
BINABASA MO ANG
Amor Inesperado (On Edit for 📖)
FanfictionWhen love strikes, it really strikes hard!