Pangiti ngiti si Richard na nakahiga sa kama niya sa gabing iyon matapos ang halikang ganapan.
Tinakpan niya ang kanyang mukha para pigilan ang sarili na sumigaw dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman niya.Poteeek! Bakit ako kinikilig????!! Kalalaki kong tao. Wuuuuaaaaaaaah
Matapos ang kaganapang iyon. Mas lalong nakakabinging katahimikan ang lumibot sa kanilang dalawa. Maine did not expect that he would really do that. Though, hindi naman niya first kiss yun pero lutang na lutang siya nang naghiwalay ang kanilang mga labi.
"Salamat sa pahatid Chard at sa ano... Uuhm. Basta yun na yun! Ingat ka." She immediately close the car's door. Ni hindi man lang niya hinintay si Richard na makapagsalita.
"Uuuhhhhm, uuh. Okay!" Yun lang ang nasabi ni Richard nang sinundan niya ng tingin si Maine papasok sa kanilang gate.
Anak ka ng engkantong adik Richaaaard! Paano kong nagalit yun? O di kaya iniisip niya na manyak ka? Shocks! Baka di na yun magpapakita sayo. Nako!!! Laking problema pag nagkataon. Hmmmmm pero hindi eh, nag thank you naman siya sayo kaya walang problema yun. Haaaaaay! Kailan pa kaya to titino ang utak ko. Nakakahiya na.
Kinaumagahan...
Pagkagising ni Maine, chineck niya agad ang kanyang phone baka may mga importanteng mensahe siyang hindi napagtu.onan ng pansin. Hindi niya kasi chineck ang phone niya nang makarting siya sa kanilang bahay dahil baka magtext o di kaya tumawag ang hilaw niyang jowa. Nahihiya siyang sagutin yo.on dahil sa nangyari sa kanila.
Oh? See? Ngangey Maine!! Wala ni isang mensahe mula sa kanya. Asa kapa! Hindi ka siguro good kisser kaya nawalan ng gana yun o di kaya mabaho hininga mo!!! Nako!!! Nako!! Jusko naman kasi... Pero... Haaaaay, wala talaga? Ni isang text man lang ano?
She stood up and started her day... Habang kumakain siya, may narinig siyang bumubusina na sasakyan.
Napa aga naman ata tong trak ng basura.
She took her breakfast alone dahil maagang umalis ang magulang at kapatid niya.
She ran to their front door dala dala ang dalawang garbage bags pero ikinagulat niya ito nang wala na mang garbage truck pero isang SUV ang naka park sa harapan at lumabas ang taong hindi niya inaasahan na dumating...
Sheeemay! Bakit andito siya? Ang aga naman. Maine!! Ayusin mo sarili mo.
"Hi!" He greeted her, showing his nakakamatay na dimple.
"Aga natin ah?" Pinagbuksan niya ito ng gate.