CONFESSION OF A FAN
(My other story)http://my.w.tt/UiNb/qmSc141oVy
•••
Ilang minuto ang lumipas pero tawang tawa pa din si Richard kay Maine nang sinabi nito ang kalokohang ginawa nila ni Sherybel. She was all red, embarrassed of what had really happened that day. Pinauwi muna ni Richard si Sherybel at Sam para din makapagpahinga ang dalawa.
"Ano ba! Love naman eh, di pa ako tapos.."
"Wait, wait. Hahahahahaha tawang tawa pa ako. Ang hirap maka get ov... HAHAHAHAHAHA araaaay! Sakit na ng tiyan ko."
"Tapos nung tinanong niya kami kung may kailangan pa, sinabihan siya ni Sherybel na 'ikaw, ang pag ibig na hinintay! Puso ay nalumbay ng kay tagal." Pakantang sabi ni Maine.
"Eh yung si Nurse Richard naman kumonot ang noo kaya inakala talaga namin na di niya kami naiintindihan. Dagdag pa niya.
Richard is still listening, pinipigilan na niyang tumawa. Nakaupo lang siya katabi ni Maine, hawak hawak ang kamay nito habang nakatitig sa kanya pero di na niya napigilan ang sarili. Tumawa ulit siya ng pagkalakas lakas.
"Hahahahahahaha grabi love! Hindi niyo man lang... Hahahaha nahalata na pinoy siya? Hahaha"
Umiling lang ito.
"Tapos yun, sumagot din ako kay Nurse Richard, sabi ko 'akoy kinikilig, pag ikay lumalapit ako nanginginig' oh diba? Nakakahiya love..."
"Hahahahaha grabi kay...- ANO??"napahinto ng tawa si Richard ng masagip ng isip ang sinabi ng girlfriend.
"Ha?"
"Sinabi mo yun sa kanya?" Kumunot ang noo ni Richard.
She nodded.
"Pinagtripan nga naman diba? Pero...Huy, anong klaseng mukha yan?"
"Eih, buti pa sinabihan mo ng ganyan.. Ako, hindi." He pouted.
"Hala siya! Syempre joke lang yung sinabi ko sa kanya. Ano kaba love!"
"Hindi eh, may naramdaman akong excitement nung sinabi mo yon."
"Hala! Hahahaha sira! Umayos ka nga love! Syempre, sayo lang ako kinikilig no."
"Hmp! Sige nga, kantahin mo nga sakin yun..."
"Uy, i just said the lyrics pero di ko kinanta yun!"
"So, sa kanya madali lang sabihin yun tapos sakin nagrereklamo kapa? Okay." Pagtatampo niyang sabi.
"Wooooshooo! Ang paaayb years old kung boyfriend! Sige ganito nalang. Actually... Aay mali, di pala ako artista. Hahaha may kanta ako sayo love."
"Hala! Talaga ba?" His face lightened up.
So seryoso siya sa pagtatampo niyang yun? Nakakaloka. Lumiwanag bigla ang pagmumukha niya eh.
"Uh-oh. Wait, give me your phone. I'll browse it."
He handed him his phone.
"Listen to this ha? Alam mo ba nung narinig ko to? Ikaw ang unang naisip ko."
"Talaga? Sige nga. Pakinggan nga natin..."
Then the music started...
"Bless The Broken Road"
*originally by Nitty Gritty Dirt Band*
(By Rascal Flatts)
BINABASA MO ANG
Amor Inesperado (On Edit for 📖)
FanfictionWhen love strikes, it really strikes hard!